Dalawang araw bago binawian ng buhay noong Abril 16, 2025 ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, ibinahagi ni Hilda Koronel sa Instagram post nito ang isang eksena nila mula sa Beloved, ang Viva Films movie na kanilang pinagbidahan noong 1985.

May kinalaman ang social media post ni Hilda sa proyektong pagsasamahan dapat nila nina Nora at Lorna Tolentino, ang 48 Hours, na mula sa direksiyon ni Adolfo Alix Jr.
Sa kasamaang-palad, hindi nagkaroon ng katuparan ang pelikula dahil namatay si Nora noong Abril 16, 2025.
Kung hindi sumakabilang-buhay si Nora, mag-uumpisa sana ang shooting ng 48 Hours noong Hunyo 2025.
Read: Direk Adolf Alix Jr., may updates about pending movies ni Nora Aunor
NORA AUNOR REPORTEDLY UNDERWENT ANGIOPLASTY FOR MOVIE WITH HILDA AND LORNA
Isang production insider ang nagkuwento sa Cabinet Files na excited si Nora na muling makatrabaho sina Hilda at Lorna kaya sumailalim siya sa angioplasty procedure noong Abril 2025.
Ito ay para makatiyak na maayos ang kanyang kalusugan kapag nagsimula na ang shooting nila para sa 48 Hours, na tungkol ang kuwento sa kontrobersyal na pamumuhay ng tatlong babae.
Malaking kawalan si Nora sa nabanggit na proyekto pero balak ni Alix na ituloy ang pelikula, at isang multi-awarded actress ang napipisil niya na isama kina Hilda at Lorna.
Read: 1976: The Golden Year of Philippine Cinema
HILDA KORONEL ON SUPPOSED MOVIE WITH NORA AUNOR
Sa guesting ni Hilda sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, Pebrero 19, kinumpirma niyang naudlot ang reunion movie nila ni Nora dahil sa pagpanaw nito.
Lahad ng multi-awarded actress: “We were supposed to do a film so nag-meeting na kami ng aking direktor, si Adolfo Alix Jr., at meron na silang project.
"Nag-meet na kami, kasama ng writer, and nasa akin na yung script.
"And then after a week, she passed. So that was really sad for me,”
Parehong nagsimula ang showbiz career nina Hilda at Nora noong 1969.
Bilang paggunita sa unang anibersaryo ng kamatayan ni Nora sa Abril 16, 2026, plano ni Alix na ipalabas sa mga sinehan ang Faney, ang pelikulang mula sa direksiyon niya at pinagbibidahan ni Laurice Guillen.
Ang Faney ang tribute movie ni Alix para sa kanyang kaibigan na namayapa at malaki ang kontribusyon sa industriya ng telebisyon,musika at pelikulang Pilipino.
Read: Faney special screening, itataon sa birthday ni Nora Aunor