JERRY OLEA
Idinirek ni Adolf Alix Jr. si National Artist Nora Aunor sa anim na full length-films.
Yung mga naipalabas na ay Padre de Familia (2016), Whistleblower (2016), Pieta (2023), at Mananambal (2025).

NORA AUNOR'S PENDING MOVIES
Kailan kaya maipapalabas sa local cinemas ang Kontrabida at Laro?
"Iyong Kontrabida po, nakausap ko na ang co-producers, yung Ovation Productions,” lahad ni Direk Adolf noong Black Saturday, April 19, 2025, sa wake ng Superstar sa The Heritage Memorial Park, Taguig City.
"Sabi ko nga po, baka maganda siyang pagkakataon ngayon, parang tribute kay Ate Guy.
"Next week po ata, magse-set sila ng meeting.
"Sabi ko nga, 'Gusto niyo, May?’ Di ba, kasi nga ang birthday ni Ate Guy ay May? Baka yun po, maayos."
Sa May 21 ang 72nd birthday ng Superstar.
"Yung Laro po, ahh, balak namin, sabi ng isang kaibigan ko, si Ate Guy ata, ang anniversary ay, tama po ba, October or November yung kanyang anniversary sa showbiz? So para may isa pa silang abangan!
"Kasi yun, medyo ibang Nora Aunor iyon!”
Sa October 2 ang dapat sana'y 58th year ni Nora sa showbiz.
Regading Kontrabida, sa title pa lang, parang pinakakakaiba sa lahat ang pelikulang ito.
“Ahh, opo. Dalawang magkaibang Ate Guy naman iyon. Kasi first time niya iyong magkontrabida,” pag-ayon ni Direk Adolf.
“At saka andun din sa movie si Ms. Jane [Jaclyn Jose], so, I think, magandang tribute para sa kanilang dalawa.”
DIREK ADOLF ALIX JR. ON NORA AUNOR'S DEATH
Kumusta? Ano ang naramdaman niya nang mabalitaan ang pagpanaw ni Ate Guy noong Miyerkules Santo, Abril 16?
"Ahh, siyempre po, nakakabigla pa rin, pero, sabi ko nga po, siguro may rason naman ng Nasa Itaas, e, kung bakit ano,” malumanay na tugon ni Direk Adolf.
“So, para makapagpahinga na rin si Ate Guy. Baka yun din po, kasi nga, medyo hirap na rin siya nitong mga nakaraan dahil sa kanyang kondisyon, di ba?
“On and off po ang kanyang pagpunta sa hospital.”
Nagpa-angioplasty si Ate Guy para sa bagong movie project niya, di ba?
“Ahh nag-prepare po siya. Kasi sabi nga niya sa akin, ‘Direk, kung mauuna, kailan ang shoot?’
“Kung kaya, gusto niyang magpalakas. Kasi nga, in negotiations po kami, kasama siya, yung pinost din naman ni Ms. Hilda [Koronel].
"So, dapat magkasama silang dalawa. So excited siya, kaya yun, gusto sana niyang mag-prepare healthwise kaya nagpa…I think, advice po ata sa kanya na magpa-angioplasty."
Ang angioplasty, ayon sa mga medical websites, ay isang "minimally invasive" medical procedure kung saan niluluwagan ang sumikip o baradong arteries o veins.
Back to Direk Adolf, gusto rin sana niyang gawin ang sequel ng Bona (1980), kung saan pinipisil na maging co-star ni Nora si Sid Lucero.
"Actually, naayos na rin nga po sana iyon. Pero, ahhh, babalikan ko po. Hindi ko alam kung ano ang sitwasyon ngayon,” saad ni Direk Adolf.
"Siyempre po, dahil sa nangyari, kung either kukuha ng someone to replace her or iaano [isi-shelve] po muna yung project.
"So, depende po dun sa mga producers. Kasi, sabi ko, pag natapos na po ito [burol], saka kami mag-usap."
Read: Nora Aunor: Superstar (Part 1)
NOEL FERRER
Nagkatrabaho sina Nora Aunor at Hilda Koronel sa mga pelikulang Nakaw Na Pag-ibig (1980) ni National Artist Lino Brocka at Beloved (1985) ni Leroy Salvador.
Pareho silang may special participation sa Tisoy (1977) ni National Artist Ishmael Bernal.

Maganda sana iyong reunion movie nina Nora at Hilda plus Lorna Tolentino and Gina Alajar.
"Itutuloy po, itutuloy...pero, siyempre, ang laking shoe to fill in yung…" hindi masabi ni Direk Adolf Jr. pero ang tinutukoy niya ay ang pagkawala ng Superstar.
Dugtong niya: "So, magre-recasting po siguro.
"At pag-uusapan kung sino ang puwedeng… although mahirap humanap siyempre ng papalit kay Ate Guy.
"Pero maghahanap po siguro ng kung sino po ang puwedeng ipalit.
"Maghahanap po kami ng tatama ang schedule, at the same time, yun nga, kung sino ang babagay.
"So kung puwedeng mag-reshuffle, ahh, kung sino ang puwedeng gumanap sa role ni Ate Guy.
"Kasi yung producer po, parang, siyempre, nalungkot din sila, pero...para magawa rin nila as tribute."
Sana, maliban kay Direk Adolf, marami pang ibang direktor at producer na magka-interes gumawa ng project to honor Ate Guy.
Alam ko, ang Unitel ng kapatid nating Madonna Tarrayo ay meron ding dapat nakalinyang project with her.
Basta, habang masidhi at marubdob ang pagmamahal at inspirasyon na naidudulot ng pag-aalaala sa Superstar, sana’y marami pang sining ang umusbong mula rito.
Read: Why Ruby Ruiz declined offer to be Nora Aunor's PA
GORGY RULA
Naidirek din ni Adolf Alix Jr. si Nora Aunor sa short film na Kinabukasan (2014) at sa TV series na Lilet Matias: Attorney-At-Law (2024).
Bakit paborito niyang katrabaho si Nora Aunor?
"Through the years din po kasi, bukod sa pagiging… siyempre, alam nating lahat na mahusay siyang artista.
"Pero more than that po kasi, na-develop na rin po through the years yung aming pagkakaibigan. So, naging komportable rin po sa isa’t isa.
"Tapos pagka may mga proyekto na tingin ko naman, bagay sa kanya, at minsan po, siyempre, yung mga producer, gusto rin po siya dahil...it’s an honor to work with her.
"So, pinagbalanse. Kaya pag nagsaswak po ang mga elements, kagaya ng gusto ng producer, nire-recommend namin siya.
“Natutuloy po kaya nakakatuwa naman, kasi siyempre po, malaking karangalan always.
"Saka marami kang matututunan kay Ate Guy habang nagtatrabaho.”
Ngayong Abril 21, Lunes, ang huling gabi ng wake ni Ate Guy sa The Heritage Memorial Park. Meron muling eulogy.
Ngayong gabi rin ay may vigil sa Iriga City, ang birthplace ng Superstar.
May estatwa si Ate Guy sa train station ng Iriga kung saan siya nagtinda ng tubig noon.
Read: Mga alaala ni Nora Aunor sa Iriga City, buhay pa ba?
Bukas ng umaga, Martes, ang necrological service sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater.
Arrival honors will begin at 8:30 A.M., followed by a tribute program at 9:00 A.M.
The state funeral rites will continue at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City.
The public is invited to attend the necrological service. Limited seats are available.
The registration link will be posted today, Monday, on the official social media pages of the CCP and NCCA.
For those who cannot attend in person but wish to pay their respects, the necrological service will be livestreamed via the official Facebook pages of the CCP and NCCA.
Read: Nora Aunor's PA in the '70s recalls patintero days with Superstar
