PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bela Padilla, napagkamalang pulubi sa EDSA bus terminal

Bela Padilla, na-burnout kaya nagdesisyong manirahan sa London.
by Jojo Gabinete
Published Mar 3, 2026
bela padilla a special memory
Bela Padilla recalls incident in 2019 that played a big part in her decision to move to London.
PHOTO/S: Viva Films Facebook

Minsan nang naranasan ni Bela Padilla mapagkamalang pulubi at hagisan ng piso.

Nangyari ang insidente sa shooting ng pelikulang Mañanita sa isang bus terminal sa EDSA noong 2019.

Ang Mañanita; Vodka, Beers and Regrets; at ang Sino Ang May Sala?: Mea Culpa ang magkakasabay na proyekto ni Bela noong taong iyon.

bela padilla 2019 projects
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, nakaramdam ng burnout ang aktres kaya nagdesisyon siyang manirahan sa London noong 2020.

Read: Bela Padilla back to basics in London

THE BUS TERMINAL INCIDENT

Lahad ni Bela: “Na-burnout ako at one point.

"In 2019, I was shooting Vodka, Beers and Regrets, Mañanita, and Sino Ang May Sala?.

"So, sa isang linggo, I was playing a sniper shooter, lawyer na schizophrenic, and alcoholic actress.

"So, three characters in one week, from Monday to Sunday, so nakakalimutan ko na kung sino ako.”

Pagpapatuloy niya: “May isang shooting kami ng Mañanita, parang 6 A.M., pasikat na yung araw, male-late na ako sa susunod, sa Sino Ang May Sala?.

“Seven A.M. yung call time ko [sa Sino Ang May Sala?], nagse-set up pa lang sila ng bus [para sa Mañanita).

"Tapos yung prosthetics ko, kalahati ng mukha ko kasi sunog.

"Sabi ko, 'Gaano katagal pa kaya yung setup ng bus?' Sabi, mga thirty minutes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, 'Okay lang maglakad-lakad muna ako?' Nasa EDSA kami, yung Victory Liner na bus station.

“Wala naman akong malalakaran kasi EDSA na yon. Kapag naglakad ako, mamamatay na ako.

“So, umupo lang ako sa gutter ng EDSA, nakasuot ako ng prosthetics.

"Tapos, may dumaan. Nagbato ng piso sa akin.

"Awang-awa ako sa sarili ko. 'Anong nangyayari sa akin today?'

“Binato ako ng piso, may cellphone ako noon. Parang nung moment na yon, ramdam na ramdam ko ang pagod.

“Inisip ko lang, kapag nakakuha ako ng day-off, yung mahabang day-off, aalis ako, as in malayo.

“So, magho-Holy Week, pumunta ako ng London, kahit maigsi.

"And then, when I went to London, sabi ko 'I’m gonna move here,' as a result of burnout."

Read: Daniel Fernando, nagsalita na tungkol sa road rage incident

BELA PADILLA CONVINCED BY PIOLO AND KIM TO RETURN TO PH

Tinupad ni Bela ang pangako sa sarili na maninirahan sa London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bumalik din siya sa Pilipinas nang kausapin siya ng kanyang mga kaibigan na sina Piolo Pascual at Kim Chiu.

Pagbabahagi niya: “I have two friends, [they] talked to me nung pandemic, Piolo Pascual) and Kim Chiu.

"They told me, ‘Tama na yan. Umuwi ka na.’

“It woke me up na parang, 'Oo nga, tama na.' Parang I’m hiding from my reality and what I am supposed to do.

“Ako kasi, hindi ako affectionate na tao. Mas nagwo-work sa akin ang tough love.

"So, nung tinough love na ako ni Piolo saka ni Kim, parang nagising na ako.

“'Oo nga, 'no? Anong ginagawa ko dito? Aral ako nang aral, e, yung inaaral ko, trabaho ko na sa Pilipinas. Ginagawa ko na siya dati pa.'

"So, umuwi na ako.”

Hindi nagkamali ng desisyon si Bela dahil hindi siya nawawalan ng mga proyekto gaya ng A Special Memory, ang pelikula nila ni Carlo Aquino na ipalalabas sa mga sinehan sa Marso 11, 2026, at ang action-drama series ng ABS-CBN na Blood vs. Duty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bela Padilla, balik-Pilipinas matapos ng limang taon sa London

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla recalls incident in 2019 that played a big part in her decision to move to London.
PHOTO/S: Viva Films Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results