Ang American action superstar na si Chuck Norris ang isa sa mga iniidolo ng actor- public servant-taekwondo champion na si Monsour del Rosario.
Nang pumanaw si Chuck noong Marso 19, 2026, sa edad na 86, nagbigay-pugay sa kanya si Monsour at sinariwa nito ang alaala ng kanilang pagkikita noong Pebrero 1983.
At that time, pumunta sa Pilipinas ang American actor para sa shooting ng Missing In Action.
Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat!
MONSOUR DEL ROSARIO'S ANECDOTE ABOUT CHUCK NORRIS
Ibinahagi rin ni Monsour sa kanyang Facebook page ang kanilang mga larawan na kuha noong 19 years old siya.
At hinikayat daw siyang lumipad sa U.S. para maging part ng stunt team ng Hollywood action star.
"After Bruce Lee died on July 20,1973, he was my next action hero. He wanted me to work with him in his action movie Missing in Action, which was filmed in the Philippines in the 1980s.
"He liked my old-school taekwondo kicks & said for me to move to America & be in his stunt team.
"But I was so busy studying in De La Salle University & fighting for the National Taekwondo Philippine Team from1982 to 1989.
"A superb nice guy that could kick your ass if he needed to, my role model in life!
"May his soul Rest In Peace in Heaven with God. His Legacy will outlive all the corrupt politicians in this material world of ours,” ang salaysay ni Monsour tungkol sa kanyang idolo.
Read: Nic Chien describes mom Lea Salonga as “progressive”

FAVORITE SHOOT LOCATION OF CHUCK NORRIS
Noong 1980s hanggang early 1990s, naging shoot location ni Chuck ang Pilipinas para sa kanyang mga pelikula: ang Missing In Action (1984), Braddock: Missing in Action 111 (1988), at Delta Force 2: The Colombian Connection (1990).
Sina Ernie Ortega, Augusto Victa, at Bella Flores ang mga Filipino actors na may partisipasyon sa Missing in Action.
Kasama rin sa pelikula ang stuntman pa lamang noon at hindi pa sikat na Belgian action star na si Jean Claude van Damme.


Pero ang memorable moment sa Missing in Action 111 ay ang trahedyang nangyari habang sinu-shoot ito sa Maynila.
Bumagsak kasi sa Manila Bay noong Mayo 30, 1987, ang Philippine Air Force helicopter na ginamit sa eksena.
Apat na sundalong Pilipino ang namatay at lima ang malubhang nasugatan.
Naulit ang trahedya sa shooting ng Delta Force 2 sa Pilipinas noong Mayo 16,1989, dahil sa pagbagsak ng helicopter sa isang bangin na kumitil din ng buhay ng apat na tao.
Kinunan naman sa Luneta Hotel, na pinalitan ng pangalan na Lun Ta Hotel, dahil pinalabas na nangyari sa Vietnam ang isang eksena ng karakter ni Norris sa Delta Force 2.

Immortalized din sa nabanggit na pelikula ang People’s Park in the Sky o Palace in the Sky sa Tagaytay City dahil dito kinunan ang maraming eksena.
Ipinatayo ni dating First Lady Imelda Marcos ang Palace in the Sky noong 1983 para magsilbi sanang guest house para kay U.S. President Ronald Reagan, pero hindi ito nagamit.
Sa isang panayam kay Morris, sinabi niya na: "It had never been used. When Marcos was booted out, it was just left, an empty shell.
"We bought it, made $1 million worth of refurbishments, since it wasn't in good shape, and even built a swimming pool. And then we blew it up.”
Sa Hawaii binawian ng buhay ang legendary action star at martial artist.
Hindi binanggit ng pamilya ang cause of death, pero ayon sa sources ng TMZ, bago naglabas ng official statement, "some medical emergency occurred in the last 24 hours on the island of Kauai."