Ayon kay Nico Locco, AI-generated photos ang kumakalat at hindi kamukha ng mystery girl na sangkot sa kontrobersiyal na sex video scandals.
Ito ang dahilan kaya hiningi ng Cabinet Files sa Canadian actor na i-elaborate ang kanyang claim.
Read: Nico Locco, tukoy na ang babaeng kasama niya sa video scandal
Kabilang si Nico sa mga male showbiz personalities na biktima ng mga kababaihang pinaghihinalaan na miyembro ng sindikato.
Para bigyang-linaw ang kanyang pahayag, aniya: “Yung photos online ni girl are definitely AI generated."
NICO LOCCO DESCRIBES THE GIRL IN HIS VIDEO
Paano siya nakasisigurong magkaiba ang nasa photos at video?
Ang sabi ni Nico nang makausap ng Cabinet Files nitong Sabado, Marso 21, 2026: "Iba yung mukha niya sa personal.
"Siyempre, alam niya na may hidden camera kaya hindi siya humarap sa camera nang todo para hindi siya ma-identify.”
Tiniyak din ni Nico na ibang-iba ang itsura ng babae sa personal kesa sa mga larawang ginamit nito sa paulit-ulit na pakikipag-ugnayan sa kanya sa Instagram bago siya nakumbinsing makipagkita.
Ayon kay Nico, alam na niya ang tunay na pangalan ng mystery girl na kinunan nang lihim ang kanilang pribadong sandali.
Hindi na rin aktibo sa social media ang umano'y bumiktima sa kanya.
"Hindi na siya active. I can’t find her Instagram account or any other socials. Yung photos niya, sureball na heavily filtered,” ang siguradong-sigurado na sabi ni Nico.
Pero hindi matukoy ni Nico kung iisang babae ang nambiktima sa kanya at sa ibang mga aktor dahil hindi niya pinanood ang kumalat na videos.
"Hindi ko na-watch yung videos nila. Yung sa akin din, I didn’t watch it,” ani Nico.

NICO LOCCO ON NETIZENS' "NAG-ENJOY" REMARK
Nagtataka rin siya sa mga nababasang reaksiyon ng netizens.
May mga nagsabing hindi na raw kailangan ng mga biktima na magsampa ng reklamo dahil “nag-enjoy” naman sila.
"I can’t believe that people think that filing a case is pa-victim kasi nag-enjoy naman daw kami sa video na napanood nila.
"Hindi ko talaga gets kung bakit ganoon ang mga sinasabi nila, kung sakaling magdemanda yung mga tao na involved.
"I can’t speak for everyone, but as I mentioned before PEP, I am single and I shared a private moment with someone.
"A moment na I’m sure many other people have had as well and they enjoyed it. Walang masama dun.
“It’s part of life, pero ang i-record, ipakalat, ibenta, at pagkakitaan ang video, yun ang illegal at mali.
“It’s regardless kung may sindikato man o wala na involved, the girl is an accessory to the crime—plain and simple.”
Out of the six male personalities na umaming involved sa mga videos, nauna nang nag-file si Ron Angeles sa tulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Katuwang ni Ron ang film producer ng Mentorque Productions na si Bryan Diamante, na hinihikayat ang iba pang biktima na magsampa rin ng reklamo laban sa grupo ng tao na nasa likod ng "oganized crime."
Ayon pa sa kanya, hindi lang sina Gil Cuerva, Nikko Natividad, Andre Cue, Arron Villaflor, Ron, at Nico ang nabiktima kundi marami pang iba.
Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat!