Nakaranas ng Last Song Syndrome (LSS) si Wilbert Ross dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang pagkanta ng "Harana" ng kanyang kapwa Viva Artists Agency talent na si Lance Carr.
"Wala na-LSS na ako. Sino ba ‘tong mukhang gago,” ang X post ni Wilbert.

Tungkol ito sa hindi inaasahang viral video clip ng pagharana ni Lance sa isa sa mga kandidata ng Miss City of San Fernando 2026 na naganap noong Biyernes, Marso 20, 2026, sa City Plaza Auditorium, San Fernando City, La Union.
Inimbitahan si Lance sa gabi ng koronasyon, at bagay na bagay sa okasyon ang 1997 hit song ng Parokya ni Edgar.
Read:
AC Bonifacio reveals breakup with Harvey Bautista
Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno
LANCE CARR'S HARANA BLOOPER
Pero nagkaroon ng konting isyu sa isang linya sa song na pinili ni Lance.
Nang lapitan at hawakan niya sa kamay ang naglalakad sa entablado na si Candidate Number 1 Kharish Tobesa, eksaktong ang linya ay, "Sino ba ‘tong mukhang gago?"
Nagtawanan tuloy ang mga tao sa kanilang narinig at napanood.
Nangibabaw ang Pinoy humor dahil bumenta ito online, pinagpasa-pasahan ang video clip ng eksena, hanggang maging viral ito.
Ngayong Linggo, Marso 22, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Lance para sa reaksiyon nito, pero hindi pa siya sumasagot.
Kahit hindi pa nagbibigay ng paliwanag si Lance, tiyak na nagkataon lamang at hindi niya sinasadya ang nangyari dahil ito naman talaga ang liriko ng kanta.
Kinaaaliwan nang husto ng netizens ang viral video clip ng newbie actor na mayroong halos isang milyong views at 10,000 hearts na sa X.
Kabilang si Wilbert sa mga nagkomento tungkol sa video at pabiro niyang sinabi na, "Ang hilig talaga mang-who you ni Doc.”

Ang karakter ni Lance na Dr. Clyden Jaile Ramirez sa Viva One series na Avenues of the Diamond ang "Doc" na tinutukoy ni Wilbert.
Hindi napanalunan ni Tobesa ang korona ng Miss City of San Fernando 2026, pero second runner-up siya.
Maituturing ding panalong-panalo ang kandidata dahil sa pinag-uusapan at kinaaaliwang viral video clip nila ni Lance.
sumali ka lang, na gago ka pa pic.twitter.com/grPcAKlIAL
— kabulastugan (@kblstgn) March 21, 2026