PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo, kumusta ang relasyon sa mga magulang at kapatid?

Chloe, ini-encourage umano si Carlos na ayusin ang relasyon nito sa pamilya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 23, 2026
carlos yulo chloe san jose fast talk
Chloe San Jose claims she is the one encouraging boyriend Carlos Yulo to mend his relationship with his family: “Not to magbuhat ng bangko, pero it’s always been me na nag-e-encourage, even if he really didn’t want to at the time na it was super crazy and talagang maingay and stuff. I have always been the one to encourage him na, ‘Mahal, if you don’t want to ano the other parts of your family, at least, your siblings.'”
PHOTO/S: GMA Network

Iginiit ni Carlos Yulo at ng girlfriend niyang si Chloe San Jose na maayos ang relasyon ngayon ng two-time Olympic gold medalist sa kanyang mga kapatid na sina Eldrew at Elaiza Yulo.

Si interview nila ni Carlos sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, Marso 23, 2026, si Chloe ang boluntaryong nagkuwento tungkol sa kontribusyon at partisipasyon niya sa pakikipagkasundo ng champion gymnast sa pamilya nito.

“We’re good po,” sambit Chloe.

“Not to magbuhat ng bangko, pero it’s always been me na nag-e-encourage, even if he really didn’t want to at the time na it was super crazy and talagang maingay and stuff.

“I have always been the one to encourage him na, ‘Mahal, if you don’t want to ano the other parts of your family, at least, your siblings.'”

Hindi kaila sa publiko ang hidwaan sa pagitan ng magkasintahan at ng mga magulang ni Carlos na sumambulat matapos niyang manalo ng dalawang gold medals sa Paris Olympics noong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carlos Yulo speaks up about family rift: "Nakarma na ako..."

CARLOS YULO SAYS HE HAS FORGIVEN HIS PARENTS

Bagamat maayos at may komunikasyon na si Carlos sa kanyang mga nakababatang kapatid, tila hindi pa rin sila nagkakasundo ng kanyang mga magulang na sina Mark Andrew at Angelica Yulo.

Tanong ni Boy Abunda kay Carlos: “Kapag dumating ang panahon na yon at sinabi ng Panginoong Diyos, 'Carlos, kumusta ka bilang anak sa iyong mga magulang?' ano ang sagot mo?”

Sagot ng Olympic gold medalist: “Ginawa ko po yung part ko and naglakas ako ng loob.

"Humihingi ako sa Inyo actually ng lakas ng loob upang kausapin sila. Ma-explain kung ano yung nangyari, especially sa nagawa po nila sa akin.

“Ako, wala akong galit sa puso ko. Wala kahit anong galit, sama ng loob, pagtatampo.

"Wala akong naramdaman na ganoon kahit yung times na nilagay nila ako sa ganoong sitwasyon, na hindi naman totoo at hindi naman namin ginawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Napatawad ko po sila."

Dagdag niya: “Ngayon, kung tatanungin ako ni Lord, 'Gusto mo ba sila makasama?' wala naman pong problema.

"Ako tinray ko yung best ko na kausapin sila. Mapag-ayos ang lahat, pero hindi ko po hawak yung sagot na yon.”

Read: Carlos Yulo's father downplays rift between his son and wife

CARLOS YULO ON WHAT HE WOULD TELL GOD

Ibinahagi ni Carlos ang pagiging madasalin at palaging pagdarasal daw niya para sa kanyang pamilya para may isasagot umano siya kapag nagkaharap sila ng Panginoong Diyos.

Aniya: “Ako, madasal po kasi ako.

"Palagi ko pong ipinagdarasal na sana nasa maayos kaming lugar. Safe palagi and healthy para mas magampanan po namin kung ano yung ibinigay ni Lord sa amin and mai-share po namin sa mga totoong nangangailangan.

“Yes, sa personal ko pong panalangin, maabot ko kung ano yung purpose na ibinigay sa akin ni Lord dito.

"Para pagdating po ng panahon, kung tatanungin Niya ako, marami po akong kuwento na natutunan, na-experience, especially sa mga tao na nasa paligid ko na palagi Niyang ipino-provide sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakukuha ko yung pagmamahal from that po."

Pagpapatuloy ni Carlos: “Gusto ko pong ikuwento sa Kanya and, actually, i-share ko sa mga kapatid ko kung ano po yung meron ako ngayon.

"Kung ano yung natutunan ko, na-experience ko, gusto ko ma-experience din nila.”

Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

CARLOS YULO ON HIS SIBLINGS

Kagaya ni Carlos ay pareho ring gymnasts ang mga nakababatang kapatid niyang sina Eldrew at Elaiza.

Kamakailan lang ay napanalunan ni Eldrew ang kanyang kauna-unahang senior international gold medal sa men's floor exercise sa 2026 FIG Artistic Gymnastics World Cup sa Antalya, Turkey.

Sa men's floor exercise din nakuha ni Carlos ang una sa kanyang dalawang gold medals sa 2024 Paris Olympics. Ang ikalawang gold medal niya ay para sa men's vault.

Paano sinusuportahan ni Carlos ang mga kapatid as athletes, maliban sa emotional at maliban sa advice?

Sinusuportahan ba niya ang mga ito financially?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Carlos: “Especially sa mga competition po, hindi po talaga, e, kasi part po kami ng national team and hindi ko po responsibility to do that.

“Pero sa akin po, gusto ko may iba’t iba po kaming journey.

"And ayun ang gusto kong ipaalam sa kanila, hindi porke’t na-experience ko yung mga bagay na ganoon, e, mae-experience din nila."

Kinikilala ni Carlos ang mga talento ng kanyang kapatid bilang mga gymnast.

Saad niya: "Talented po silang dalawa, especially si Eldrew. Talented siya.

"Nahihirapan lang po siyang mag-focus talaga. Kapag mag-i-events siya tapos bigla siyang nawawala sa focus niya.

“Hindi ko po alam kung ano ang iniisip niya. Malikot po yung utak niya.”

Read: Chloe claims Carlos' own family did not greet him on his birthday

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chloe San Jose claims she is the one encouraging boyriend Carlos Yulo to mend his relationship with his family: “Not to magbuhat ng bangko, pero it’s always been me na nag-e-encourage, even if he really didn’t want to at the time na it was super crazy and talagang maingay and stuff. I have always been the one to encourage him na, ‘Mahal, if you don’t want to ano the other parts of your family, at least, your siblings.'”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results