PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo's father downplays rift between his son and wife

Mark Andrew Yulo to son Carlos: "Sana pagbalik mo, mag-usap tayo ng mama mo..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 5, 2024
Carlos Yulo's father hopes to end rift between son and Angelica Yulo
Carlos Yulo's father Mark Andrew Yulo (right) hopes to end rift between son and wife Angelica Yulo (left): "Sanay naman po kami sa problema, wala namang perpektong pamilya. Kailangan lang po natin lumaban tapos maraming dasal."
PHOTO/S: Adamson University Facebook

Kumpiyansa si Mark Andrew Yulo, ama ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, na magkakaayos ang kanilang pamilya sa oras na umuwi ng Pilipinas ang kanyang anak.

Ito ay sa gitna ng hidwaan sa pagitan ni Carlos at inang si Angelica Yulo dahil diumano sa usapin tungkol sa pera.

Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

Carlos Yulo, Paris 2024 Olympics
Photo/s: One Sports (YouTube)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Mark Andrew sa One Balita Pilipinas nitong Lunes, August 5, 2024, nahingan siya ng reaksiyon sa kontrobersiyal na hindi pagkakaunawaan ng kanyang mag-ina.

Ayon kay Mark Andrew, maituturing niyang tampuhang mag-ina lamang ang nangyayari ngayon sa pagitan nina Angelica at Carlos kung kaya't hindi ito dapat gawing big deal ng publiko.

Kagaya ng ibang pamilya, nagkakaroon din daw sila ng hindi pagkakaunawaan, ngunit sa huli ay mas mananaig pa rin ang kanilang pagmamahal sa isa't isa.

Saad niya: "In God's will. Pag-uwi po ni Caloy, aayusin po namin yan.

"Matagal na po yon, inaano [pinapalala] lang ng mga basher. Matagal na po yon.

"Pero okay lang po yan, sanay na po kaming ma-bash. Noong unang talo pa lang ni Caloy [sa Tokyo Olympics], bash na bash na kami, e."

Sundot na tanong ng One PH anchor na si Cheryl Cosim, "Sa tingin niyo po ba, Tatay Mark, this time talagang mabubuo na po ulit ang inyong pamilya?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ng ama ni Carlos: "Opo, mabubuo naman po yan. Konting ano [usap at lambing] lang po yan.

"Hindi naman po masyadong malaking problema yung [pinagdaraanan namin].

"Sanay naman po kami sa problema, wala namang perpektong pamilya.

"Kailangan lang po natin lumaban tapos maraming dasal."

Ginagawa rin daw ni Mark Andrew ang lahat ng kanyang makakaya para mabawasan ang nararamdamang tampo ng kanyang asawa sa anak nilang si Carlos.

Lahad niya: "Pini-please ko rin, kinakausap ko rin siya [Angelica] na mag-usap-usap tayo, para masaya na, wala na yun problema.

"Pero mag-uusap naman po yan, konting ano lang yan ng magulang. Alam niyo naman ang magulang, lalo na ang nanay, siyempre ipagtatanggol niya yan para mapaganda lang yung anak mo.

"Kaya ako, nasa gitna lang po talaga ako. Susuporta lang ako sa kanila.

"Saglit lang po yan, wala naman po yan, tampuhan lang nilang dalawa.

"Ayaw lang ng nanay niya na mapasama siya, balang araw mawalan ka, kailangan niyang ingatan kung ano yung mayroon siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi galing kami sa wala, e. Siguro gusto lang ng nanay niya na [baka] mawalan ka ng pera, ganun."

ANGELICA PROUD OF CARLO'S double OLYMPIC WIN

Kabaliktaran ng sinasabi ng iba na wala umanong suporta si Angelica kay Carlos, nakikita at nararamdam daw ni Mark Andrew na proud na proud ang kanyang misis sa tagumay ng kanilang anak.

Sabi niya, "Kahit hindi niya sabihin, alam kong natutuwa naman yan, ayaw lang niya [ipakita] kasi may konti silang tampuhan."

Alam din daw ni Mark Andrew na kasalukuyang pinag-uusapan online ang kanyang pamilya magmula nang matuklasan ng netizens ang sigalot sa relasyon nina Carlos at Angelica.

Kaya naman mensahe niya sa mga bumabatikos sa kanila: "God bless you po sa lahat ng bashers ng family namin.

"Sa ginawa niyong yan, nakadalawang gold yung anak ko. Maraming salamat po."

Read: Nanay ni Carlos Yulo, biktima ng fake Facebook accounts

Noong Sabado, August 3, naging laman ng balita si Carlos matapos nitong masungkit ang unang gintong medalya para sa Pilipinas sa Paris Olympics, nang hirangin siyang champion sa men's gymnastics floor exercise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carlos Yulo takes home the gold in Olympic men's floor exercise

Nasundan pa ito nang muling nagkamit ng gold medal si Carlos sa men's vault finals, Linggo ng gabi, August 4.

Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines

MARK ANDREW gets emotional over CARLOS' Olympic win

Sa nasabing panayam ay hindi rin napigilang maging emosyonal ni Mark Andrew sa pagkapanalo ng kanyang anak.

Aniya, siya at sampu ng kanyang pamilya ay kasama sa mga nagdasal sa tagumpay ni Carlos sa Paris Olympics.

Emosyonal niyang pahayag: "Masaya po [ako], sobrang saya at sobrang blessed po talaga. Hindi ko po akalain na ganyan yung anak ko.

"Sobrang saya po, wala po akong masabi [kundi] salamat po sa mga nagdasal sa anak ko, sa sumuporta po. God bless you all po.

"Sa mga nagdasal po sa laban ni Caloy at sa buong atletang Pilipino, pagdasal po natin yun mga lumalaban ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang thankful po ako na maraming nagdarasal [para kay Caloy], salamat po sa lahat."

Carlos Yulo vault paris olympics 2024
Photo/s: Screen Grab from One Sports on YouTube

Bagamat hindi pa sila nagkakausap ng anak magmula nang manalo ito, excited na raw si Mark Andrew sa pagbabalik-bansa ni Carlos.

Sasalubungin daw niya ito ng mahigpit na yakap para maipadama sa anak ang labis niyang galak, papuri, at pagmamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, binati at may mensaheng iniwan si Mark Andrew kay Carlos.

Sabi niya: "Congrats, 'nak. Ang ganda ng performance mo. God bless you.

"Sana pagbalik mo, mag-usap tayo ng mama mo at saka ng mga kapatid mo.

"Pag-usapan natin yung magagandang bagay para masaya lang."

CARLOS AND ANGELICA: FAMILY FEUD

Samantala, bukod sa usaping pera, lumalabas din na nagsimula ang hidwaan nina Carlos at Angelica dahil sa karelasyon ng gymnast na si Chloe San Jose.

Sa panayam ni Angelica sa Bombo Radyo nitong Linggo, August 4, sinabi niyang si Chloe ang mitsa ng hindi nila pagkakaunawaang mag-ina.

Rebelasyon ni Angelica, nagsimula ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Carlos nang magpunta si Carlos kamakailan sa Japan para sa training.

Sumunod daw ang nakababata nitong kapatid na si Eldrew at isa nitong teammate na si Miguel sa Japan para mag-ensayo.

Ang usapan daw nila ay makikituloy sina Eldrew at Miguel, na pareho ring gymnasts, sa apartment na tinutuluyan ni Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit bago pa man makarating ang dalawa sa Japan, nalaman daw ni Angelica na sa apartment ng kanyang anak tumutuloy si Chloe nang wala man lang pasabi sa kanila.

Lahad ni Angelica: "Nagkaroon kasi ng training camp si Caloy [palayaw ni Carlos], kasama ko yung asawa ko, naghatid kami sa Terminal 3.

"Ang sabi nung coach niya, 'Tita, alam mo na ba ang nangyari?' Sabi ko, 'No idea at all.' Kasi hind naman kami nag-uusap ni Caloy, e.

"Pagdating pala dun, ang sabi ni Coach, pagdating ni Eldrew at ng teammate niya, yung babae wala dun sa apartment niya. [Nasa] bahay na tinitirhan niya [Carlos] na binabayaran ng JOC [Japan Olympic Committee] na nire-reimburse ng PSC [Philippine Sports Commission] every end of the year.

"So, dapat bahay lang siya ng mga atleta, parang dorm. So, yung mga outsiders dapat wala dun, especially yung walang kinalaman sa training.

"Pinakita ni Caloy, tinanggap niya [sina Eldrew at Miguel], nandun yung maleta ng mga bata [sa apartment]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Chloe Anjeleigh San Jose, Carlos Yulo
Photo/s: Chloe Anjeleigh San Jose (Instagram)

Read: Carlos Yulo, GF charm netizens with post-victory celebration

Dahil menor de edad noon si Eldrew, hindi raw pumayag si Angelica na manatili si Chloe sa apartment na tinutuluyan ng kanyang mga anak.

Aniya, "Sa tingin mo, yung anak ko, fifteen years old, patutulugin ko sa para lang siyang studio type? Patutulugin ko yung anak ko na menor de edad kasama siya [Carlos] at yung babae [Chloe]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahirap, e, siyempre mga lalaki, anything na mapatingin.

"Actually, ayun din yung sabi ni Coach... na baka mapatingin si Miguel sa puwet dahil nakakalat, e, maging masama yung bata."

Wala naman daw problema kay Angelica noong unang silang magkita ni Chloe, nang ipakilala ito sa kanya ni Carlos bilang kanyang girlfriend.

Ngunit nang tumagal, pakiramdam daw ni Angelica ay inilalayo ni Chloe si Carlos sa pamilya nito.

Saad ng ina ni Carlos: "Una, medyo okay pa [kami] kasi tumatawag-tawag naman sila dito ni [Carlos]. Hindi ko rin naman siya masyadong pinapansin nun.

"Noong nagkita kami dito, parang feeling ko inilalayo niya sa amin si Caloy.

"Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy.

"Pero siyempre, kasi pamilya kami. Kumbaga, parang matagal din namin siyang hindi nakasama. Because of pandemic, di ba?

"So siyempre, kung siya gusto rin siyang makasama nung girl, how much more kami na pamilya niya na gusto rin siyang makasama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Even yung mga kapatid niya kasi talagang medyo nalulungkot lang kasi sobrang close silang magkakapatid.

"Pero after nung nangyari, yung ano namin ni Caloy, parang [dumistansiya] even yung youngest ko, yung eldest ko.

"Sobrang malalim yung galit na nararamdaman ng youngest ko kay Caloy."

Read: Angelica Yulo camp warns public vs fake posts, libelous comments

CHLOE REACTS TO angelica's interview

Sa Facebook nitong Linggo, August 4, nagbigay ng reaksiyon si Chloe sa mga pahayag ng ina ni Carlos tungkol sa kanya.

Read: Chloe San Jose reacts to interview of Carlos Yulo's mother

Ibinahagi ni Chloe sa kanyang post ang video ng panayam ni Angelica.

Sa caption, tila binalaan niya itong maghintay rin sa ilalabas niyang pahayag.

Mensahe ni Chloe (published as is), "mother dear i'm gonna hold your hand when i say this... pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals—paki-on na your comment section po ah, di yung nag dedelete ka pa + off com sec [kiss emoji].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasaringan din niya ito nang sabihing (published as is), "japan pa din talaga.. lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM."

Carlos Yulo's girlfriend reacts to his mom's interview
Photo/s: Screengrab @Chloe Anjeleigh San Jose Facebook

Read: Hidilyn Diaz congratulates Carlos Yulo on gold medal win

Ang tinutukoy ni Chloe ay ang Facebook post ni Angelica noong Sabado, August 3, kunsaan mas pinaboran niya ang kalaban ni Carlos mula sa Japan nang mag-post ito ng (pubslished as is): "Japan pa din Talaga...lakas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Carlos Yulo's girlfriend reacts to his mom's interview
Photo/s: Screengrab @Angelica Poquiz Yulo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlos Yulo's father Mark Andrew Yulo (right) hopes to end rift between son and wife Angelica Yulo (left): "Sanay naman po kami sa problema, wala namang perpektong pamilya. Kailangan lang po natin lumaban tapos maraming dasal."
PHOTO/S: Adamson University Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results