Hindi naranasan ni Mommy Dionisia Pacquiao ang malakas na lindol na naganap sa General Santos City, kung saan siya nakatira, noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Kasalukuyang nasa Los Angeles, California, si Mommy Dionisia kasama ang kanyang kasintahang si Mike Yamson.
Nakatakda silang dumalo sa kasal ni Jimuel Pacquiao, ang apo niya at panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.
Anim na taong hindi nagkita ang mag-lola kaya napaiyak si Mommy Dionisia sa muling pagtatagpo nila ni Jimuel.
Tuwang-tuwa rin siya nang makita niya sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang apo sa tuhod kay Jimuel.
Read: Mommy Dionisia meets great-granddaughter for the first time
PACQUIAO FAMILY ON DEVASTATING EARTHQUAKE IN MINDANAO
Nasa ibang bansa man sina Mommy Dionisia, Manny, at Jinkee, ipinarating nila ang pakikiramay at tulong sa mga nasalanta ng lindol na may lakas na 7.8 magnitude.
Mensahe ni Manny sa inilabas niyang official statement: “My heart breaks for the people of my hometown General Santos City and all of Mindanao, Philippines. This devastating earthquake has taken lives, destroyed homes, and shaken a community that has given me everything.
“Through the Manny Pacquiao Foundation, we stand with you to bring help, hope, and healing to those who need it most.
“To our first responders and rescue teams — you are heroes. God bless and protect you.To the people of the Philippines — We love you and will rise from this together.”
Ang kapatid ni Manny na si Rogelio "Ruel" Pacquiao ang gobernador ng Sarangani Province, at ang kanyang hipag na si Lorelie Pacquiao naman ang mayor ng General Santos City.
Buhat nang mangyari ang mapamuksang lindol, naging abala sina Ruel at Lorelie sa pagtulong sa mga kababayan nila.
Read: First day of schoolurns tragic as powerful quake hits Mindanao
MELAI CANTIVEROS
Ilang oras matapos mangyari ang lindol noong Lunes, Hunyo 8, ipinarating agad ni Melai Cantiveros ang pasasalamat sa lahat ng mga nangumusta sa kalagayan ng kanyang pamilya sa General Santos City.
Masidhi ang panalangin ni Melai na mawala na ang mga aftershock ng lindol na nagdudulot ng karagdagang pangamba sa mga naapektuhan ng trahedya.
Mensahe ng Kapamilya comedienne sa kanyang Facebook post (published as is): “In Jesus Name tanggalin nyu na Lord ang mga aftershocks and sana Lord makabangon ang Mindanao labi na ang Gensan Lord sa paglindol na itu.
“Thank you sa lahat ng nangamusta sa pamilya ko, thank you Lord all safe sila and praying for all families na safe din sila.
"Panawagan na din po sa lahat ng gustu mag help need po ng more tents sa mga hospitals namin dun,”
GERALD ANDERSON
Malungkot namang sinariwa ni Gerald Anderson ang mga alaala ng madalas na pagtambay niya sa branch ng fastfood chain sa General Santos City na gumuho dahil sa lindol.
“Nangatumpag ang akong dating tambayanan. Amping unta ang tanan. I was there almost everyday when I was younger,” reaksiyon ni Gerald sa pagguho ng gusali na bahagi ng kanyang kabataan.
