PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celia Rodriguez revisits '80s sex symbol Stella Strada tragedy

Celia Rodriguez alleges director exploited Stella Strada before her death.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
celia rodriguez stella strada
Veteran actress Celia Rodriguez recalls the late Stella Strada's struggles and alleges she was exploited by a director during filming: "I am not telling the name of the director, sana patay na yung hayop na yon!"
PHOTO/S: YouTube / File

Trigger Warning: Mention of suicide

Binalikan ng beteranang aktres na si Celia Rodriguez, 88, ang exploitation umanong ginawa kay Stella Strada (real name: Suzzette Bishop) ng producer at direktor ng kanilang pelikulang kinunan ang mga eksena sa Mindoro.

Ibinahagi ito ni Celia sa panayam sa kanya ng broadcaster na si Julius Babao para sa Unplugged Channel sa YouTube nito. In-upload ang video noong Biyernes, Hulyo 3, 2026.

Hindi sinabi ni Celia ang pamagat ng proyekto at ang pangalan ng direktor, ngunit madali itong matutukoy dahil isang pelikula lamang ang pinagsamahan nila ni Stella.

stella strada celia rodriguez
Stella Strada and Celia Rodriguez in a scene from their movie.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Celia ang nagsilbing tagapagtanggol ni Stella sa diumano’y mga pambababoy ng direktor sa sexy star, na nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti noong Disyembre 28, 1984.

Matapang na sabi ng beteranang aktres: “I am not telling the name of the director, sana patay na yung hayop na yon!

“Nananaginip ako na si Stella namatay, sabi ko I wish I have done more. Kasi what she needed in life, care and love, yun lang.”

Inilahad ni Celia na nagkita sila ng direktor sa isang party matapos mamatay si Stella. Lumapit daw sa kanya ang direktor na nagsabing, “Tita, kawawa naman si Stella.”

Hindi raw nakapagpigil ang beteranang aktres kaya nakapagsalita siya ng “Ay, p*t*ng*na mo! Kaya nagpakamatay dahil sa yo, leche ka!” sabay buhos daw ng beer sa direktor na buhay pa hanggang ngayon.

Isinumpa rin ni Celia na hindi na siya makikipagtrabaho sa naturang direktor.

Read: Stella Strada: '80s sexy star na nagbigti sa kabila ng kanyang kasikatan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CORRECTIONS TO STATEMENTS MADE BY CELIA

Pero may mga dapat ituwid sa mga sumusunod na pahayag ni Celia kay Julius:

  • Si Jesse Yu ng Lotus Film ang discoverer ni Stella.
  • Nineteen years old ang sexy star nang magpakamatay ito pagkatapos ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang kanilang ginawa.
  • Walang dumalaw sa burol ni Stella dahil iniuwi ang mga labi nito sa probinsya.

Bilang pagtutuwid, si Robbie Tan ng Seiko Films ang nakatuklas kay Stella.

Pangalawa, 17 years old lang si Stella nang magpatiwakal noong Disyembre 28, 1984, dahil Abril 14, 1967 ang araw ng kanyang kapanganakan.

Pangatlo, ang Puri, na nagbukas sa mga sinehan noong Oktubre 4,1984 — hindi ang pelikulang pinagsamahan nina Stella at Celia — ang huling proyekto ng sexy star bago ito nagpakamatay.

puri 1984
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maaaring sa tagal ng panahon, nakalimutan ni Celia na Mayo 19, 1983 nang itanghal sa mga sinehan ang pelikula nila ni Stella.

Hindi rin totoo ang sinabi ni Celia na walang dumalaw noon sa burol ni Stella.

Nang matuklasan ang walang buhay na katawan ni Stella at ng kanyang alalay sa bahay na inuupahan nila sa Jose Abad Santos Street, San Juan City, noong Disyembre 28,1984, unang dinala ang bangkay ng aktres sa Funeraria Oro sa 20th Avenue, Quezon City.

Inilipat at ibinurol ang bangkay ni Stella sa Loyola Memorial Chapels, Makati City.

Inilibing siya sa Loyola Memorial Park, Parañaque City.

stella strada tombstone
Stella Strada's tombstone at Loyola Memorial Park in Parañaque City.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siguradong-sigurado kami sa aming kuwento dahil kabilang kami sa mga pumila noon sa Loyola Memorial Chapels para makita ang mga labi ni Stella.

Dumagsa ang mga tao sa burol noon para kay Stella dahil kontrobersiyal ang pagkitil niya sa sariling buhay, na napakalaking balita noon.

Iniuwi sa probinsya ang mga labi ng namayapa at pinakasikat noong sex symbol.

Dapat ituwid ang mga maling impormasyon na ibinahagi ni Celia kay Julius dahil mahalagang malaman ng publiko at ng mga manonood ang katotohanan, na dokumentado naman, para hindi mabago ang kasaysayan.

Read: Former sexy star Stella Strada victim of child abuse?

CELIA RODRIGUEZ ON FPJ AND VIC SILAYAN

Nakakaintriga naman ang mga sagot ni Celia tungkol sa pumanaw na aktor, ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. (FPJ).

“Yes, he’s a nice guy,” sagot ng aktres nang tanungin ito kung nagkaroon siya ng pagkakataonng makatrabaho si FPJ.

"Ano ang mga memorable na experience mo with the King?” tanong ni Julius.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ummm... he’s a nice guy,” muling sagot ni Celia.

Natawa si Julius sa reaksyon ni Celia kaya sabi niya, “Ganoon lang? Walang memorable na pagkakataong magkasama kayo?”

Sagot uli ng beteranang aktres, “He’s a nice guy nga.”

“How nice? How nice of a guy was he?” pang-uusisa ni Julius, na naintriga sa pahayag ni Celia.

“Very nice. He’s a good person. Parang si Coco [Martin], pareho silang mabuting tao. Don’t let me expand anymore,” makahulugang sagot ng Primera Kontrabida

Nang tanungin tungkol sa aktor na itinuturing niyang pinakamahusay sa lahat, ang pangalan ni Vic Silayan (Enero 31, 1929-Agosto 30, 1987) ang binanggit ni Celia.

Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan ng dalawa ay Lilet (1971), na nagpanalo kay Celia ng Best Actress sa FAMAS noong 1972; Star? (1979); Bantay Salakay (1981); at Dapat Ka Bang Mahalin? (1984).

celia rodriguez lilet
Celia Rodriguez won FAMA Best Actress in 1972 for her performance in Lilet.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero parehong nagkamali sina Celia at Julius nang sabihin nilang si Vic ang co-star ni Charo Santos sa 1976 movie na Itim.

Sa pelikulang Kisapmata, na opisyal na kalahok sa 7th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 1981, nagkasama sina Vic at Charo.

Si Mario Montenegro naman ang nakasama ni Charo sa Itim.

Read: Angel Castro shares painful truth about mom Raven Villanueva

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Celia Rodriguez recalls the late Stella Strada's struggles and alleges she was exploited by a director during filming: "I am not telling the name of the director, sana patay na yung hayop na yon!"
PHOTO/S: YouTube / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results