"Sanitized" ang kuwento ng male celebrity na hindi na siya nagkaroon ng kaugnayan mula nang maghiwalay sila ng kanyang asawa.
Ang version of story niya na pinaniwalaan ng mga kaibigan ay naunang nakipagrelasyon ang kanyang ex-wife matapos nilang magpasyang wakasan na ang kanilang pagsasama.
Masamang-masama pa nga raw ang loob ng male celebrity dahil nakakarating sa kanya ang balitang nagpupunta ang boyfriend ng kanyang ex-wife sa bahay nila.
Ang hinaing ng male celebrity, hindi man lamang nirespeto ng ex-wife ang kanilang tahanan.
Read: Workaholic na aktor, pinatitigil muna sa trabaho ng mga kaibigan
MALE CELEBRITY, PAAWA EFFECT?
Pero lumitaw ang isa pang kuwento na tulad ng kanyang ex-wife, nakipagrelasyon din pala si male celebrity sa isang babae na hiwalay sa asawa.
So, ano kayang motibo ng kanyang "sanitized version? Magpaawa? Pero at the expense of ex-wife?
Imposibleng umamin ang male celebrity tungkol sa kanyang secret affair dahil ayaw niyang mabahiran ng intriga ang kanyang iniingatang wholesome image.
Incidentally, pareho ang reklamo ni estranged husband sa version ni male celebrity.
Nagalit ang estranged husband sa kanyang estranged wife dahil pinapapunta raw nito sa kanilang tahanan ang boyfriend nito: ang male celebrity.
Gets mo ba?
Yung hinaing ni male celebrity ay gingawa rin pala niya.
Pero may balitang hiwalay na rin ito sa babaeng hiwalay sa asawa.
Nakahanap na kasi si male celebrity ng ibang mamahalin.
Read: Pag-aaway ng aktor at ng misis, humantong sa pisikalan