Apat na taon na ang anak na babae ng singer-actress na dating may wholesome image bago siya nagdesisyong magpaseksi sa mga proyektong tinatanggap niya.
Hindi inililihim ng singer-actress ang pagkakaroon niya ng anak, pero hindi rin siya nagsasalita dahil hindi naman siya natatanong ng entertainment media tungkol sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.
SINGER-ACTRESS' POSTS about motherhood
Makikita sa old Facebook page ng singer-actress ang mga larawan ng pagbubuntis niya noong 2022, pati ng kanyang anak na pinakamamahal.
Hindi na niya ina-update ang kanyang old Facebook account, pero hindi niya binubura ang mga larawan.
Mahirap ding matukoy ang kanyang account dahil ibang pangalan ang ginagamit niya.
Walang mag-aakalang nanay na ang singer-actress dahil napanatili niya ang magandang hugis ng kanyang katawan kaya pinagpapantasyahan pa rin siya ng mga kalalakihan.
Maaaring naghihintay lamang siyang may magtanong tungkol sa pagiging nanay nito.
Pero habang walang nag-uusisa, hindi siya nagkukuwento tungkol sa anak na sentro ng buhay at mundo niya.
Read:
BLIND ITEM: Nepo baby, nakulong dahil sa shoplifting
BLIND ITEM: Male celebrity sanitized ang kuwento about ex-wife