PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: TV series mapapaaga ang ending

Dapat next year pa, e.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
blind item about tv series that will soon end
Ikinalungkot ng cast and crew ang balitang mapapaaga ang pagtatapos ng kanilang TV series. Dapat kasi ay sa 2027 pa.
PHOTO/S: ChatGPT

Ikinabigla at ikinalungkot ng mga artista at production staff ang abisong tatapusin na ang kanilang TV series.

Nakapagtataka ito dahil ang pagkakaalam ng mga bumubuo ng programa ay magtatagal pa ito hanggang sa susunod na taon.

Ang napaagang pagtatapos nito ang isa sa mga pagbabagong magaganap sa bakuran ng TV network na dumaranas din ng mga pagsubok tulad ng iba pang TV stations.

Sa kabila ng malungkot na balitang hindi na aabutin ng Pasko ang TV series, nagpapasalamat pa rin ang cast at crew dahil naging bahagi sila ng isang programang minahal ng manonood.

Naging malapit din ang lahat sa isa’t-isa kaya nagkaroon sila ng mga bagong kaibigan na itinuturing nilang pangalawang pamilya.

Hindi pa inaanunsiyo ng TV network management ang nalalapit na pagwawakas ng programa, pero tiyak na ikalulungkot ito ng mga tagasubaybay.

CLUE ABOUT TV SERIES

Magaling na aktor ang bida.

Gusto mo ng isa pa?

Ang isang cast member ay kilalang-kilala. Yun na!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

BLIND ITEM: Sikat na male singer, "Takusa" nga ba?

Mahigit 1K empleyado ng TV network, apektado sa mass retrenchment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, con-00064
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinalungkot ng cast and crew ang balitang mapapaaga ang pagtatapos ng kanilang TV series. Dapat kasi ay sa 2027 pa.
PHOTO/S: ChatGPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results