PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wish Ko Lang not ending, goes on "season break"

Vicky Morales’s closing spiel is not a final goodbye.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Wish ko Lang and its host Vicky Morales
Vicky Morales’s closing spiel is not a final goodbye for her GMA-7 program Wish Ko Lang, which recently celebrated its 25th anniversary.
PHOTO/S: Wish ko Lang on Facebook

Walang katotohanan ang kumalat na balita nitong Sabado, Setyembre 5, 2026, na nagpaalam na sa telebisyon ang Wish Ko Lang, ang public service drama anthology series ng GMA-7.

Si Cherry Pie Picache ang bida sa anniversary special ng programa na pinamagatang "Sugal."

Kahapon din lumabas ang impormasyon sa social media, kabilang ang isang Reddit community, na mawawala na ang popular afternoon program ni Vicky Morales.

wish ko lang featuring cherie pie picache
Photo/s: Wish ko Lang on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICKY MMORALES'S SPIELS

Sa closing spiels ni Vicky, nagpasalamat siya sa pagsubaybay ng publiko sa Wish Ko Lang sa nakalipas na dalawampu’t limang taon.

Ani Vicky, "Lagi po nating tatandaan, hanggang hindi tayo napapagod humiling at maniwala, hindi po tayo mapapagod sa buhay.”

Hindi naman siya nagpaalam o nagpahiwatig na mawawala na ang kanyang programang ni-launch noong Hunyo 2002.

Saan nanggaling yung pamamaalam ng show?

Read: BLIND ITEM: TV series mapapaaga ang ending

IS WISH KO LANG GOING OFF THE AIR?

Ngayong Linggo ng hapon, Setyembre 6, 2029, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Nessa Valdellon, ang senior vice president for Public Affairs at executive vice president ng GMA Pictures.

Siya ang taong nasa posisyon para sagutin ang balita tungkol sa kapalaran ng programa na matagal nang nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga Pilipino.

"Season break” ang ginamit na term ni Valdellon tungkol sa pansamantalang pamamahinga ng award-winning television show ni Vicky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wish Ko Lang which is a much loved legacy program of GMA is officially on season break. Wala naman pong nag-goodbye in yesterday’s spiels,” ani Nessa.

Hindi ito ang unang beses na nag-season break ang programa. Noong panahon ng pandemya, pansamantalang namaalam ito noong February 2020, saka bumalik sa ere noong July 11, 2020.

Ang Barangay Love Stories ang pinaniniwalaang ilalagay sa timeslot na mababakante ng Wish Ko Lang.

Pamagat ito ng radio drama program ni DJ Rensmark Jairuz Ricafrente, a.k.a. Papa Dudut, sa Barangay LS 97.1.

At mapapanood ito sa telebisyon simula sa Setyembre 12.

Read: Mahigit 1K empleyado ng TV network, apektado sa mass retrenchment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vicky Morales’s closing spiel is not a final goodbye for her GMA-7 program Wish Ko Lang, which recently celebrated its 25th anniversary.
PHOTO/S: Wish ko Lang on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results