Kilalang-kilala si 14th Miss Grand International Jihan Mohin Dimachk ng mga Pilipinong sumusubaybay sa mga beauty pageants.
Nakarating na kasi siya sa Pilipinas noong Enero 2017.
Twenty years old si Jihan noong bumisita siya sa bansa bilang opisyal na kinatawan ng Tanzania sa 65th Miss Universe, na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Si Maxine Medina ang Philippine bet at si Iris Mittenaere ng France ang nagwagi bilang Miss Universe 2016.
Makalipas ang sampung taon, muling sinubukan ni Jihan ang kapalaran nito sa beauty pageant at hindi na siya nabigo.
Sa edad na 30, si Jihan ang kinoronahang 14th Miss Grand International.
Pareho sila ng kapalaran ni 13th Miss Grand International Emma Mary Tiglao ng Pilipinas.
Thirty years old din kasi si Emma nang mapanalunan ang korona ng Miss Grand International noong Oktubre 18, 2025.
Read: Jihan Dimachk of Tanzania is Miss Grand International 2026
Jihan Dimachk: First African and Tanzanian to Win Miss Grand International
Si Jihan ang kauna-unahang African Queen na nagwagi na nasabing pageant kaya ipinagbubunyi sa Tanzania ang kanyang tagumpay.
Ilang minuto matapos koronahan ni Emma si Jihan, naging headline sa mga news outlets sa kanyang bansa ang karangalang nakamit niya.
View this post on Instagram
"The historic victory marks a major milestone for Tanzania and the African continent, bringing the crown to Africa for the first time since the competition was established.
"Jihan’s win places Tanzania at the center of the international pageant scene, following her journey through the competition, where she represented the country on a global platform,” ang ulat ng The Citizen, isa sa mga pangunahing pahayagan sa Tanzania, tungkol sa tagumpay ni Jihan sa 14th Miss Grand International.