Bumubuti na ang kalagayan ni Angelo Teves, ayon sa kuya niyang si Matthew Johann.
Ito ay matapos magtamo ng walong saksak si Angelo mula sa isang kapwa menor de edad noong Oktubre 12, 2026, sa Barangay Payatas, Quezon City.
Matagal na nanatili si Angelo sa Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital.
Ibinalita ni Matthew sa Cabinet Files na mula sa ICU, inilipat na ang kanyang kapatid sa regular room.
"Humihingi na po siya ng pagkain.
"I want the bunso that I know na malakas at makulit,” pahayag ni Matthew sa voice message, na ipinadala sa pamamagitan ng Facebook Messenger, tungkol sa kalagayan ni Angelo, na patuloy na nagpapalakas.
Pero limitado pa rin daw ang puwedeng bumisita.
Sinabi rin ni Matthew na batid ni Angelo na nagpa-interview siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pati na rin ang mga balitang lumabas tungkol sa sinapit niya.
Alam din ng child actor na marami ang nagdarasal para sa kaligtasan at mabilis na paggaling niya.
Read: Child actor Angelo Teves in ICU after being stabbed eight times; brother Matthew calls for justice
MATTHEW JOHANN'S LATEST POST ABOUT SUSPECTS
Samantala, nakarating kay Matthew na may tatlo pang sangkot sa pananaksak kay Angelo, pero nagtatago na raw ang mga ito.
Kaya sa kanyang Facebook post ngayong Sabado, Oktubre 26, 2026, sinabi niya: "Kabahan na kayong tatlo. Malapit na gumaling ang kapatid ko. Makakapagsalita na siya kung sino ang mga sumaksak sa kanya.”
Ibinalita rin ni Matthew na dumalaw sa ospital ang staff ng Kapuso Mo Jessica Soho, at nagkaroon ng panayam sa kapatid niya.
Nagbigay rin daw siya ng pahayag "to clear my name and clarify it."
Aniya pa: “Abangan niyo kami ni Angelo sa KMJS! Para sa mga nagtatanong kung ano ba talaga ang relasyon naming dalawa, malalaman niyo na rin ang buong kuwento namin.
"Nakakalungkot aminin, pero ang hirap itago. At aaminin ko din na di madali sa akin sabihin iyon sapagkat napamahal na ako sa kanya nang sobra.
"For now, hindi muna ako sasagot sa mga tanong niyo. Abangan niyo na lang ang kuwento namin sa KMJS. See you!"
Napapanood ang KMJS tuwing Linggo, 8:30 P.M., sa GMA-7.
Si Angelo, 13, ang gumanap bilang batang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre ng GMA-7 at bilang batang Manuel Quezon Jr. sa pelikulang Quezon.
Ginampanan din niya ang karakter ni Joey, anak ni RK Bagatsing, sa Call My Manager!, na napapanood sa HBO Max.
Read: Meghan Markle "deeply distressed" over father's PH home claims