Labis na nababahala ang Duchess of Sussex na si Meghan Markle sa mga alegasyon laban sa kanyang estranged father na si Thomas Markle Sr. kaugnay ng umano'y child pornography.
Sa ulat ng British newspaper na The Sun noong October 22, 2026, nakasaad na ang half-brother ni Meghan na si Thomas Markle Jr. ang nakadiskubre ng umano'y tinatagong mga maseselang larawan ng kanilang ama sa dati nitong bahay sa Cebu.
Ayon sa ulat, ilan sa mga larawan ay nasa isang storage box, habang mayroon din umanong nakaimbak sa computer at hard drives.
Read: Julia Montes speaks about fixing issues in Coco Martin's company
Dahil sa natuklasan ni Thomas Jr., isinuplong niya ang ama sa mga awtoridad sa Pilipinas, sa Federal Bureau of Investigation (FBI), gayundin sa US National Center for Exploited and Missing Children.
Ani Thomas Jr. sa panayam niya sa The Sun: "When I found this material I was horrified, and I had no option but to report my dad."
Mariin namang itinanggi ni Thomas Sr. ang mga alegasyon laban sa kanya.
Sa hiwalay niyang panayam sa Britain's Daily Mail, nanindigan siyang pawang mga kasinungalingan ang mga akusasyon sa kanya ng mismong anak.
Pahayag niya, “I’m shocked, I’m hurt, and I’m very upset that my son is making these accusations against me. I could never do what I’m being accused of."
DOJ, DILG, FBI probe allegations vs. Thomas Sr.
Kaugnay nito, kinumpirma sa isang panayam ni Justice Undersecretary Nicholas Ty na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng task force ng Department of Justice (DOJ) at ng Anti-Trafficking and Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Cebu ang insidente.
Read: Inside BTS Manila comeback: Rhiza Pascua shares exclusive details
Bilang isang mahalagang hakbang sa imbestigasyon, nakuha na rin daw ng pulisya ang computer na sinasabing naglalaman ng maseselang larawan at video ng mga batang biktima.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, kasalukuyan na itong sumailalim sa masusing digital forensic examination, upang masuri ang datos ng lawak ng mga hinihinalang ilegal na aktibidad na iniuugnay kay Thomas Sr.
Read: Kim Chiu chooses to "stay strong" amid a "difficult day"
Maging ang FBI ng Estados Unidos ay nangako ring magbibigay ng suporta sa mga awtoridad ng Pilipinas kung kinakailangan.
Iimbestigahan din daw nila ang anumang kaugnay na alegasyon ng paglabag sa pederal na batas ng U.S.
Meghan Markle on allegations against father Thomas
Dahil sa kontrobersiya, naglabas ng pahayag si Meghan noong Biyernes, October 24.
Inamin ng misis ni Prince Harry na noong 2018 ay may natanggap na rin siyang impormasyon mula sa Metropolitan Police sa United Kingdom tungkol sa parehong alegasyon sa kanyang ama.

Tiniyak raw sa kanya noon na iimbestigahan na ang mga ito.
Kaya raw sa mga bagong impormasyong lumabas ngayon galing sa kanyang half-brother, nabagabag ang kalooban ni Meghan para sa mga batang naging biktima umano ng estranged father.
“I am deeply distressed at the news that has come to light in the last 24 hours, and my thoughts are with any children who may have been harmed.
"In 2018, a letter was sent to the Metropolitan Police and Royalty and Specialist Protection. That letter was subsequently shared with me.
"It made troubling and disturbing allegations against my father, and I was given assurances that these were being investigated."
Read: Why Meghan Markle’s one-pan tomato pasta is controversial
Ayon kay Megan, matagal nang pinili niyang dumistansiya sa kanyang ama.
Saad niya, "I hope it can now be understood that, despite certain media publications' distortion over the years, any distance from my father and my choice to not allow him to have contact with our children was for one reason: to protect them."
Read: Thomas Markle Sr. denies daughter Meghan reached out to him
Umaasa raw siyang makakamit ang hustisya at mananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan at proteksiyon ng sinasabing biktima umano sa insidenteng sangkot ang ama.
Pahayag niya: "I trusted that the authorities were doing the same for other families.
"Although the breadth of what has now been uncovered is more sickening than one could ever imagine.
"My sincere hope is that justice will be fully served and that the priority remains the safety and protection of innocent children."
MEGHAN'S RELATIONSHIP WITH ESTRANGED FATHER THOMAS
Samantala, muling nabigyang-pansin ang matagal nang komplikadong relasyon ni Megan at estranged father na si Thomas Sr.
Batay sa ulat ng British news organization na BBC, nalaman umano ni Meghan ang tungkol sa mga alegasyon patungkol sa ama noong 2018, matapos ang kanyang kasal kay Prince Harry.
Ayon sa source na malapit sa mag-asawa, hindi maaaring magsalita noon sa publiko si Meghan tungkol sa isyu dahil posibleng maapektuhan ang anumang imbestigasyon.
Noong mga panahong ito rin daw ay nasa gitna ng sigalot ang relasyon nina Meghan at Thomas Sr.
Read: Is Meghan Markle's dad in a relationship with a Filipina nurse?
Matatandaang nagsimulang magkalamat ang relasyon ng mag-ama bago ikasal si Meghan kay Prince Harry.
Natuklasan noon ng Canadian actress na pumayag si Thomas Sr. na magpanggap para sa isang paparazzo kapalit ng pera.
Ipinakita sa staged photos ang pagsusukat ni Thomas Sr. ng damit na gagamitin niya para sa pag-iisang dibdib nina Meghan at Prince Harry.
Read: The most expensive detail in Prince Harry and Meghan Markle's wedding
Kalaunan, inamin ni Samantha, kapatid ni Meghan sa ama, na siya ang may kagagawan sa staged photos. Pero itinanggi niyang may kinalaman ang pera sa pagpapanggap na ginawa nila.
Dahil sa galit ni Meghan, hindi dumalo si Thomas Sr. sa kasal ng kanyang anak.
Si King Charles III, na noon ay Prince of Wales, ang umalalay kay Meghan sa paglalakad patungo sa altar.
Read: Kapatid ni King Charles na si Andrew, iniuugnay sa Epstein files
Hanggang noong 2025, nagdesisyon si Thomas Sr. na manirahan sa Pilipinas, kasama ang anak na si Thomas Jr.
Sa ulat din ng BBC, sinasabing kasalukuyang nasa isang rehabilitation center sa Florida, U.S. si Thomas Sr., kung saan siya muling nagsasanay na makalakad matapos maputulan ng isang binti dulot ng isang operasyon noong December 2025 sa Cebu.
Read: Meghan Markle's dad "struggles" in Cebu despite premium living
Samantala, noong August 2026, nagbalik naman sa United Kingdom sina Meghan at Prince Harry kasama ang kanilang dalawang anak, matapos nilang manirahan sa U.S. nang anim na taon.
Lumipat sila sa U.S. matapos talikuran ang kanilang mga tungkulin bilang senior royals noong January 2020.
Read: Meghan Markle, nag-reach out sa ama na sumailalim sa amputation
Itinanggi naman ng tagapagsalita ng mag-asawa na may kinalaman ang mga alegasyon laban kay Thomas Sr. sa desisyon nilang umalis sa United Kingdom.
