Ngayong Nobyembre 8, 2026, ang ika-limang buwan ng pagpanaw nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sila ang mga student- basketball players ng Ateneo de Manila University na nalunod at namatay noong Hunyo 8, 2026, sa karagatan ng Dipaculao,Aurora.
Inalala ni Rovelyn Baterbonia ang anak niyang si Rene sa pamamagitan ng Facebook post (published as is): "Happy birthday mo Ngayon naka- ika 5 months mo Ngayon sana makuha natin Ang justice mo namiz na kita.”
Read: Remembering Nida Blanca and the tragedies on Annapolis Street
A FILM ABOUT RENE BATERBONIA
The day before this, naglabas ng teaser si BB Gandanghari tungkol sa unang movie directorial job niya. Life story daw ito ng isang pumanaw na student-athlete.
“Where it all started “ ang caption ni BB sa teaser na may hashtag na “#imJustAKidWithABigDream”.
Maliban sa 30-second video na ibinahagi ni BB, hindi ito nagbigay ng mga detalye tungkol sa pelikulang pinagkakaabalahan niyang gawin sa Mindanao.
Pero may "coming soon" repost siya tampok ang larawan ng mag-inang Rovelyn at Rene.

May video rin siyang kuha sa hometown ni Rene sa Talacogon, Agusan del Sur.
Read: Ian de Leon confirms he and Matet are on speaking terms again
THE CAST OF BB GANDHARI'S FILM
Napag-alaman ng Cabinet Files na sina Jean Garcia, Ariel Rivera, at Rommel Padilla ang ilan sa mga artistang kasama sa cast.
Si Jean ang gaganap na Rovelyn; si Ariel bilang Rene Sr., ang ama ni Rene; at bibigyang-buhay ni Rommel ang karakter ng basketball coach at mentor ng estudyante sa pelikula.
Mapapanood sa teaser na inilabas ni BB ang young basketball player na si Kyle Reese Degullacion, na pinaniniwalaang bida sa isinasapelikulang kuwento ng buhay ni Rene.
Madalas na ikumpara si Kyle kay Rene at lalong lumakas ang mga hinala na may partisipasyon siya sa pelikula dahil sa pagbabahagi niya sa kanyang Facebook page ng news links tungkol sa proyekto ni BB.
Noong Agosto 2026, opisyal na tinanggap si Kyle sa basketball program ng Ananda Marga Special Academic Institution (AMSAI) Davao at si Ruel Abellera na mentor ni Rene ang coach niya.
Maging ang mga magulang ni Kyle na sina Rose Jane at Jofel Ryan Degullacion ay ibinahagi rin ang post.
“Very proud of you for what you’ve achieved Kuya Kyle,” ang caption ng ama ni Kyle.
Ang pelikula ay mula sa produksiyon ni Senator Robinhood Padilla.