PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Arcilla reveals what scares him more than horror movies

He also prefers making horror movies to watching them.
by Jojo Gabinete
Published 7 hours ago
John Arcilla on character in Haunted Carnival
Corrupt politicians scare John Arcilla more than horror movies. The Haunted Carnival actor calls them magicians and says their actions can cost lives.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kontrabida ang karakter na ginagampanan ni John Arcilla sa Haunted Carnival, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 52nd Metro Manila Film Festival na magaganap sa Disyembre 2026.

Pero hindi siya umaasang magkakaroon ng nominasyon sa best actor category, kahit marami ang nagsasabing malaki ang tsansa niya dahil sa mahusay niyang pagganap bilang isang salamangkero o magician.

“Hindi ko alam kasi parang usually yata, kapag sa horror movies, hindi siya masyadong nano-nominate.

"Yun ang alam ko, so hindi ako nag-e-expect.

"Pero ang tingin ko, kapag mga comedy, kapag ibang mga genre, hindi masyado [nano-nominate].

"Pero kung ma-nominate, okay lang sa akin,” ang reaksiyon ni John sa tanong ng Cabinet Files.

JOHN ARCILLA'S CHARACTER

May mga abiso ang award-winning actor tungkol sa kanyang character.

Una, hindi raw siya bida sa pelikula.

“Actually, hindi siya lead, isa lang sa mga major [character]. In fact, ako yung carnival. Kontrabida ako, so, hindi siya talaga lead."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawa, may mga linya siya ng posibleng maging kontrobersiyal. Umaasa nga si John na hindi maiinsulto ang Simbahang Katoliko.

"Sana hindi ma-offend ang Catholic Church, pero siya yung Jesus ng darkness.

"But darkness means hindi ito yung hell. He’s the son, the father, and the spirit of darkness, but he is not Lucifer.

"There’s an evil in him. Demonic siya pero hindi siya si Lucifer at demonyo sa hell.

"He is own entity kaya siya kakaiba dahil na-create siya sa insatiable na kagustuhan ng mga tao tungkol sa entertainment.

"So may koneksiyon sa kanyang passion at pag-e-entertain ng mga tao,” ang paliwanag ni John.

JOHN ARCILLA not afraid of horror movies

Hindi tagahanga si John ng mga pelikulang nakakatakot dahil mas kinatatakutan daw niya ang mga corrupt politician sa Pilipinas.

"Actually, hindi ako fan ng scary movies, but I can do that kasi mas gusto ko na ako yung gumagawa ng nakakatakot na bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag nanonood ako ng scary movies, sinasabi ko lagi, oo ginagawa ko iyon. Hindi ako nakiki-cooperate kasi natatakot ako.

"Dahil natatakot ako, sasabihin ko lang, 'Ah, okay, directed iyan. Nilalabanan ko kaya boring ako na manood ng scary movies, but I do scary films like Kuwaresma.

"Ang kinatatakutan ko, despite the fact na na-experience ko iyon, hindi pa rin kasi ako naniniwala although natatakot din ako na baka ako makakita [ng multo].

"Mas takot ako sa mga tao na halimbawa, yung kagaya ng mga corrupt, mga mamamatay-tao.

"Mas dun pa ako natatakot kasi hindi mo alam kung saan, kung kailan ka nila babanatan.

"Kasi yung mga corrupt, nakakapatay ng tao like, halimbawa, isipin mo na lang, sa flood control [anomalies], ilan ang namatay na tao?

"So nakakapatay yung mga corrupt. Nakakatakot sila.

"Magaling sila na magician."

Natawa si John matapos magsalita dahil hindi niya napigilan ang sariling banggitin ang mga opisyales ng pamahalaan na nagpapanggap na may malasakit sa mga mamamayan, pero ninanakawan ang kaban ng bayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read more:

Fyang Smith recounts experience helping a pig give birth

Step-by-step guide to getting a Unified Person with Disability ID

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Corrupt politicians scare John Arcilla more than horror movies. The Haunted Carnival actor calls them magicians and says their actions can cost lives.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results