Utal sa pagsasalita si Fidel Lansangan, ang karakter ni JC Santos sa 100 Tula Para Kay Stella, ang pelikulang pinagbidahan nila ni Bela Padilla at ipinalabas sa mga sinehan noong Agosto 2017.
Muling ginampanan ni JC ang katauhan ni Fidel sa 100 Awit Para Kay Stella, ang sequel na ipapalabas sa mga sinehan sa September 10, 2025.

100 Awit Para Kay Stella: MEMORABLE SCENE
Makabagbag-damdamin ang isang bahagi ng kuwento dahil tampok ang mga taong may tunay na kapansanan sa pagsasalita.
"Ilalabas po namin sa pelikula na meron talagang association or an institute na may speech defect.
"Nakasama ko po sila sa eksena."

May nakakuwentuhan pa nga raw si JC, at nakakuha ang aktor ng mgandang feedback.
"'Kumusta ka?' sabi kong ganoon. 'Napanood mo ba yung unang pelikula?'
"Sabi niya, 'Kuya, ito yung nagbigay ng confidence sa akin nung napanood ko kaya ako nakakapagtrabaho.'
"Sabi ko, ‘Sana naman. Tama ba yung ginagawa ko? Kasi po, I just keep on doing it, baka insensitive na ako.'
"Sabi niya, ‘Sir, lahat ng ginagawa ninyo noong panahon na iyon, ako iyon,” ang lahad ni JC during the presscon noong August 8.
Aminado si JC na nahirapan siya sa pagbibigay-buhay sa katauhan ni Fidel.
"Sobrang hirap. Isa po ito sa mga pinakamahirap na karakter ko. Minsan sa isang linya o sa isang eksena, kailangan kong isipin.
"Actually, every scene, sumasakit yung ulo ko kasi iisipin ko yung three-word rule. Iisipin ko yung emotion na napakabigat. Iisipin ko yung insecurities ni Fidel. Iisipin ko yung camera. Iisipin ko yung direksiyon ni Direk Jason Paul Laxamana.
"It’s one of those challenging things I have ever done in the movie. Sana napagtagumpayan ko siya.
"And we wish na sana manood yung mga dating nanood ng 100 Tula Para Kay Stella."
Pangako pa niya: "Siyempre, gusto namin ng bagong flavor ng pelikula...We’re banking on nostalgia, ibabalik namin."
Read: