John Regala, tinulungan ng Grab driver matapos mahilo ang aktor

by Jojo Gabinete
Jul 28, 2020
Habang nasa Pasay City kahapon, July 27, biglang nahilo ang aktor na si John Regala kaya humingi siya ng tulong sa isang Grab food delivery driver. Ibinahagi ng rider ang mga larawan ng aktor sa Facebook, na naging dahilan upang manawagan ang ilang netizens sa pag-aakalang kailangan ng financial assistance ng aktor.
PHOTO/S: Facebook

Isang Grab food delivery driver ang nilapitan ni John Regala para hingan ng tulong dahil nahilo at nanghina ang aktor.

Nangyari ito sa Barangay 183, Pasay City, bandang alas-dos ng hapon nitong Lunes, July 27.

Ibinahagi ng 30-year-old Grab rider na si Carlo Marti Clariza sa Facebook ang mga litrato ni John na kuha sa kanilang pagtatagpo.

Ngayong Martes ng hapon, July 28, nakausap ng Cabinet Files sa telepono si Carlo kaya naikuwento nito nang buo ang pagtatagpo nila ni John.

Kuwento ni Carlo, "Humingi po siya sa akin ng tulong at nakilala ko po agad siya.

"May hinahanap po siyang nurse kaya pinapunta niya ako sa barangay para humingi ng tulong dahil nahihilo at nagugutom nga po siya.”

Bakit naghahanap ng nurse si John?

"Taga-roon daw po yung nurse na nag-i-inject sa kanya ng gamot para sa gout niya,” sagot ni Carlo.

"Bago ko po siya iniwan, inilapit ko po siya sa mga taga-barangay. Inaasikaso naman po siya. Iniwan ko po siya dahil may delivery pa ako.

Continue reading below ↓

"Tapos, pagbalik ko po doon, wala na siya. Sabi ng mga tanod, nakauwi na raw po at may dalang sasakyan kaya nag-alala po ako dahil nahihilo siya.

"Ang sabi po ng pinagtanungan ko, dumating naman ang tao na inaantay ni John at ginamot ang mga sugat niya.

"Nasabi rin ni John na magpapatanggal din ito ng tubig sa katawan dahil napansin ko na iba rin ang laki ng tiyan niya.

"Sinabi niya na nagugutom daw siya, pero wala siyang panlasa."

Ayon kay Carlo, Starex ang van na minamaneho ni John.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ng ilang netizens ang post ni Carlo sa social media, na naging daan upang magkaroon ng panawagan na tulungan ang aktor.

Mabilis ang aksyon ng netizens na nanawagan sa staff ng Kapuso Mo Jessica Soho at ng programa ni Raffy Tulfo dahil sa tingin nila'y kailangang-kailangan ng aktor ng financial support.

Para sa mga nababahala sa kalagayan ni John, hindi nagkukulang sa pagtulong sa kanya ang isang aktor at ang kaibigan nitong pulitiko.

Miyembro si John ng Iglesia Ni Cristo (INC), kaya alam naming hindi rin nagpapabaya ang kanyang mga kasamahan sa simbahan.

Malaki ang naitulong ng INC para maiuwi sa Pilipinas mula sa Amerika ang bangkay ng nanay niyang si Ruby Regala na sumakabilang-buhay noong January 2020.

Noong 2017 ay tinulungan din ng mga ordinaryong tao si John nang biglang tumaas ang presyon ng aktor habang nasa labas ng isang supermarket sa Zapote, Bacoor, Cavite.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang nasa Pasay City kahapon, July 27, biglang nahilo ang aktor na si John Regala kaya humingi siya ng tulong sa isang Grab food delivery driver. Ibinahagi ng rider ang mga larawan ng aktor sa Facebook, na naging dahilan upang manawagan ang ilang netizens sa pag-aakalang kailangan ng financial assistance ng aktor.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results