Si Xian Lim ang direktor ng live-action adaptation ng Project Loki, ang popular Wattpad webtoon detective series na pagbibidahan nina Marco Gallo, Dylan Menor, at Jayda Avanzado.

Ipinakita ang teaser nito sa Vivarkada, ang ultimate fancon at grand concert na ginanap noong Biyernes, Agosto 15, 2025, sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Mainit ang naging pagtanggap ng Araneta Coliseum audience sa teaser ng Project Loki na unang proyekto ni Jayda bilang contract star ng Viva Artists Agency.

Read: Boss Vic del Rosario, natupad ang pangarap mag-Viva si Jayda
Matapos ilunsad ang teaser ng Project Loki, ibinahagi ni Xian sa social media account nito ang bagong proyekto na pinagkakaabalahan niya bilang direktor.
“Quod Erat Demonstrandum” ang caption ni Xian sa kanyang post na teaser ng Project Loki.
Translated sa English, ang kahulugan ng Latin phrase na caption niya ay “That [thing] which was to be demonstrated."
View this post on Instagram
Mapapanood ang Project Loki sa Viva One ngayong 2025.
Ito ang pangalawang serye ng Viva One na tinatampukan ni Dylan Menor na itinuturing na "Next Important Star" ng TV5.
Read: Dylan Menor, nag-level up ang career nang lumipat sa TV5
Kasama si Dylan sa cast ng Seducing Drake Palma kaya kabilang din siya sa mga nagtanghal sa ultimate fancon at concert ng Vivarkada.
Buung-buo ang suporta ng TV5 kay Dylan dahil personal na pinanood ni TV5 Chairman Manny Pangilinan ang Vivarkada.