Watch Now

Willie Revillame, inaming siya ang nakikipag-usap sa mga artistang lumilipat sa ALLTV

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2022
willie manny paolo villar studio
Willie Revillame (center) with ALLTV owner, former Senate President Manny Villar (right), and son Prime Asset Ventures' Paolo Villar.
PHOTO/S: ALLTV

Tiniyak ni Willie Revillame na sigurado nang magkakaroon ng mga teleserye, daily noontime show, Sunday show, at reality show ang kanyang bagong home network, ALLTV, simula sa January 2023.

Sinabi ito ng veteran TV host sa second night live broadcast ng Wowowin sa ALLTV ngayong Miyerkules, September 14, 2022.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Pakiusap pa ni Willie, “Tulungan niyo po kami na umunlad ang ALLTV kasi marami tayong mabibigyan ng mga trabaho. Yung mga nawalan ng trabaho, kinukuha namin.”

Hiningi rin ni Willie ang pang-unawa ng lahat tungkol sa mga artista mula sa iba’t ibang network na lumilipat sa ALLTV at ang kanyang pag-amin na tumutulong siya sa pakikipag-usap sa mga kapwa niya personalidad sa entertainment industry.

Aniya, “Sana naman ho intindihin ninyo. Kung wala naman silang ginagawa at puwede naman dito, welcome na welcome sila sa ALLTV.

“I will be honest, ako po talaga ang nakikipag-usap sa kanila, kasama ko si AMBS President Maribeth Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, tumutulong ako sa kompanyang ito dahil kung sino lang naman yung pupuwede at kung sino ang kailangan.”

Nangyari ang soft launch ng ALLTV kahapon, September 13.

Read: Willie Revillame at Toni Gonzaga, pinangunahan ang soft launch ng ALLTV

Ipinaliwanag ni Willie ang technical difficulties na napansin ng manonood tulad ng pagkawala ng audio na hindi maiiwasang mangyari sa isang bagong bukas at nagsisimulang network.

Saad niya, “Napagod tayo, medyo malat na kami, ilang gabi na kaming hindi natutulog para mapaganda yung programa.

“Siyempre, may technical difficulties kami, birth pains ‘yan kung tawagin. Mahirap, yung mga audio namin, nahirapan dahil hindi naman po studio itong Wil Tower.

“Ito po ay penthouse at may roof deck, may helipad. Ginawan lang po ng paraan kasi kung magsisimula kami ng January 2023, sayang naman po yung Kapaskuhan.

“Ang sabi ng [former] Senate President Manny Villar, sabi niya, ‘Willie, puwede mo nang simulan ‘yan itong September. Una, anibersaryo namin ni Senadora Cynthia Villar, wedding anniversary. Isabay na natin at magpa-Pasko, para makapagpasaya tayo ng ating mga kababayan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, hindi man kami handa, naging handa kami para sa inyo.”

Pinasalamatan ni Willie ang Villar family dahil sa buong-buong suporta raw ng mga ito sa ALLTV at mga empleyado nito.

Ikinuwento ni Willie na nagsadya sa Wowowin studio sa Wil Tower Mall ang dating senador at ang mga anak nitong sina Paolo at Camille kagabi, pero ayaw raw ng tatlo na ipabanggit ang kanilang mga pangalan.

Nagpasalamat din si Willie kay Vice President Sara Duterte na nagpadala sa kanya ng text message para batiin ang muling pagbabalik niya sa telebisyon.

Ibinahagi naman ni Willie sa Cabinet Files ang mga larawan nang bisitahin siya sa Wowowin nina former Senator Manny Villar at ng mga anak nito.

Pati na ang lumang litrato nila nina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga na magpapatunay na sila ang mga original host ng unang season ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Muling nagkasama-sama ang tatlo sa paglulunsad sa ALLTV kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

pbb original hosts

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (center) with ALLTV owner, former Senate President Manny Villar (right), and son Prime Asset Ventures' Paolo Villar.
PHOTO/S: ALLTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results