Willie Revillame at Toni Gonzaga, pinangunahan ang soft launch ng ALLTV

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2022
willie toni rooftop
Sina Willie Revillame at Toni Gonzaga ang nagsilbing hosts ng soft launch ng ALLTV, ang television network ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ngayong Martes, September 13, 2022.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Ganap na alas-dose ng tanghali nang magsimulang umere sa telebisyon ang ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ngayong Martes, September 13, 2022.

Tumagal ng mahigit sa labintatlong (13) minuto ang opening number ng ALLTV na nilahukan at pinangunahan ng iba’t ibang grupo ng mga dancer at nina Ella Cruz, Mannex Manhattan, at DJ Loonyo.

Live itong napanood mula sa Palazzo Verde, Las Piñas City.

Ang rooftop at helipad naman ng Wil Tower Mall sa Quezon City, na katabing-katabi ng ABS-CBN compound, ang kinaroroonan nina Willie Revillame at Toni Gonzaga, ang mga main host ng soft launch broadcast ng Villar family owned-network.

Mainit at magiliw ang pagsalubong at pagpapakilala ni Willie kay Toni.

Kung hindi pa binanggit ni Willie, hindi maaalala ng publiko na silang tatlo, kasama si Mariel Rodriguez, ang mga original host ng Pinoy Big Brother, ang reality show ng ABS-CBN, noong 2005.

Si Willie ang main eviction host ng programa sa unang season nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Toni kay Willie, “Sobrang saya ko rin na muling makasama si Kuya Wil. Ang tagal Kuya Wil ng huli nating pagsasama, ngayon na lang uli. Na-miss kita.”

Sagot ni Willie, “Ako rin.

“Para malaman niyo lang ho, ako, siya, at si Mariel ang original mga host ng Pinoy….pero Channel 2 pa rin yun.”

Ani Toni, “Pero naisip ko, tayong mga Pilipino, pare-pareho tayong mga Pilipino. Dapat tayong nagmamahalan, nagkakaisa, nagtutulungan para makapagbigay ng serbisyo sa taumbayan.

"Hindi lang serbisyo ng pamimigay ng pera, ng kasiyahan, ng kabuhayan showcase. Pamimigay ng inspirasyon, pag-asa, at masayang bukas para sa lahat ng mga nanonood.”

Kasabay ng soft launch ng ALLTV ang 65th birthday ni President Ferdinand Marcos Jr.

Ipinaalaala ito ni Toni sa viewers ng bagong home network nila ni Willie dahil sa kanyang Malacañang Tour at exclusive interview sa Pangulo na mapapanood sa Toni Talks, ang talk show niya sa nabanggit na television station, ngayong hapon, 4:30 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reaksiyon ni Willie, “Ang ganda naman, ha?

“Birthday ng ating mahal na Pangulo. Birthday ng bagong Channel 2… ibig sabihin, hindi lang ito ang tahanan ninyo. Kami, kakatok din sa mga tahanan ninyo, araw-araw.

“Starting tomorrow, September 14, 3:30 p.m. tayo magsisimula. Ang ating mga back-to-back teleserye, mga Koreanovela, abangan niyo po ‘yan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Willie Revillame at Toni Gonzaga ang nagsilbing hosts ng soft launch ng ALLTV, ang television network ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ngayong Martes, September 13, 2022.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results