PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, nagpakita ng pruwebang hindi magsasara ang Wowowin

Studio ng Wowowin sa Starmall, minamadali ang construction.
by Jojo Gabinete
Published Feb 6, 2023
willie revillame wowowin studio
Willie Revillame: "Uulitin namin, inaayos po ng ALLTV management ang signal at, of course, ang reach ng programang ito at lahat ng mga programa. Sa aking mga kasama dito, huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ng kompanyang ito."
PHOTO/S: ALLTV YouTube

Muling nagsalita si Willie Revillame tungkol sa mga nagkakalat ng balitang mawawala ang mga programa ng ALLTV, kabilang ang Wowowin.

Sinabi niya ito sa "24 Patrol," ang news segment ng kanyang public service at game show na napapanood sa television network na pag-aari ng billionaire businessman na si Manny Villar, ngayong Lunes ng gabi, February 6, 2023.

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Pahayag ni Willie: “Pinangungunahan nila ang katotohanan. Kung nagbabasa kayo ng Facebook at YouTube, marami hong nasasabi ang ibang tao pero hindi naman nila alam ang katotohanan.

“Heto ang katotohanan: alam niyo ho ba na ang Wowowin Studio ay nag-meeting na naman kanina?

“Heto po ang latest, minamadali na po yan [Wowowin studio] para magkaroon na tayo ng audience.”

Ipinakita sa "24 Patrol" ang video ng konstruksiyon ng Wowowin studio sa Starmall EDSA na pahiwatig na walang katotohanan ang balitang magsasara ang kanyang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

wowowin studio

Nagpasalamat din si Willie sa lahat ng mga tumatangkilik at tapat na nagmamahal sa Wowowin, kabilang ang milyun-milyong subscribers at followers ng Facebook page at YouTube channel ng television show niya.

Mensahe ng beteranong TV host, “Maraming salamat sa 24,417,170 na subscribers at followers sa YouTube at Facebook. Hindi pa kasama diyan yung nanonood sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From the bottom of our heart, marami pong salamat sa inyong lahat.

“Ang sarap panoorin na may pamilya ka na nabibigyan ng pag-asa. May pamilya na nababago ang buhay dahil sa programang Wowowin at kasama po ang ALLTV.

“Sana ho, marami pa kaming magawang ganito. Sana tuluy-tuloy pa rin ito para ho mas marami pa tayong pamilyang mahihirap na kababayan natin na mabibigyan ho ng kanilang pangarap.

“Hindi ako ang bida rito. Ipinagkaloob ito sa amin ng Panginoong Diyos para makapagbigay ika nga ng saya, kaligayahan. Tutulong na abot-kaya lang naming ibigay."

Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV

Bukod sa paulit-ulit na pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa Wowowin at sa ALLTV, muling ipinaalaala ni Willie sa lahat na huwag maniwala sa mga haka-haka dahil siya raw mismo ang magsisiwalat sa katotohanan.

“Uulitin po namin, ito po ay mensaheng katotohanan. Dito po sa Wowowin at ALLTV, totoo lang ang sasabihin namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maraming mga haka-haka, abangan niyo kung ano ang katotohanan.

“Malalaman niyo naman po yan at ako pa ang unang magsasabi sa inyo. Malalaman ninyo ang totoo."

Dagdag pa ni Willie, “Una sa lahat, ayan po ang studio natin, ginagawa na. Minamadali na po yan.

“Alam niyo, sa totoo lang, marami na ang tumatawag at nagpapa-reserve ng mga lugar sa Starmall para sa mga restaurant.

“Uulitin namin, inaayos po ng ALLTV management ang signal at, of course, ang reach ng programang ito at lahat ng mga programa.

“Sa aking mga kasama dito, huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ng kompanyang ito.

“Yan po ang mga report namin sa inyo, yan po ang mga katotohanang report, hindi haka-haka.

“Hindi negative! Walang negative dito! It’s always positive!

"Tandaan niyo po, nandito kami para sa inyong lahat. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, hindi namin pinapansin yan!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: "Uulitin namin, inaayos po ng ALLTV management ang signal at, of course, ang reach ng programang ito at lahat ng mga programa. Sa aking mga kasama dito, huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ng kompanyang ito."
PHOTO/S: ALLTV YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results