PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

QC imposes liquor ban amid surge in COVID-19 cases

QC reminder: Reporting of COVID-19 positive results is mandatory.
by Jet Hitosis
Published Mar 15, 2021
QC liquor ban COVID-19
The Quezon City government imposes two-week liquor ban beginning today, March 15, amid the spike of COVID-19 cases in Metro Manila.
PHOTO/S: unsplash.com

Muling ipinatutupad ang liquor ban sa buong Quezon City sa susunod na dalawang linggo, simula ngayong Lunes, March 15.

Ito ang nakasaad sa Supplemental GCQ (General Community Quarantine) Guidelines na isinapubliko ng Quezon City government nitong Linggo, March 14.

Sinusugan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang GCQ guidelines na ipinatutupad sa lungsod kasunod ng biglaang pagdami ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya sa nakalipas na mga araw.

March 26, 2020 nang unang magpatupad ng liquor ban sa Quezon City dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa buong Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) noong March 17, 2020.

Binawi ng pamahalaang lungsod ang liquor ban noong May 16, 2020 matapos ipairal ang mas maluwag na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Luzon nang araw na iyon.

QC SUSPENDS SPA, GYM OPERATIONS

Bukod sa pagbabawal sa pagbebenta, pagbili, at pagkonsumo ng alak simula March 15 hanggang March 31, sinuspinde ring muli ang operasyon ng mga spa, gym, internet café, at swimming pool sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula rin ngayong Lunes ay ipatutupad na ang Public Safety Hours, o curfew hours, ng 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, alinsunod sa itinakda ng Metro Manila Council.

Huwebes, March 11, nang mapagkasunduan ang uniform curfew para sa lahat ng 16 na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila.

Kaugnay nito, itinatakda rin sa Supplemental GCQ Guidelines ng Quezon City government na hanggang 10:00 ng gabi lang dapat bukas ang mga sari-sari store, palengke, talipapa, at iba pang temporary vending site.

Inoobliga ng pamahalaang lungsod ang lahat ng establisimyento sa siyudad na i-report sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sakaling mayroong impormasyon tungkol sa kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang mga empleyado o kliyente, taga-Quezon City man ito o hindi.

Makipag-ugnayan sa CESU sa telepono: (02)8703-2759 o (02)8703-4398; o sa email: QCSurveillance@quezoncity.gov.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

35,878 CASES IN QC, 621,498 IN PH

Batay sa latest data ng Quezon City government nitong March 14, umabot na sa 35,878 ang “validated” na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa bilang na ito, 2,991 ang aktibong kaso, habang 863 na ang nasawi.

Ang Barangay Batasan Hills sa District 2 ang may pinakamaraming kumpirmadong COVID-19 cases, na nasa 1,431.

Sa bilang na ito, 118 ang kasalukuyang ginagamot sa virus.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa buong bansa, sumampa na sa 621,498 ang mga nagpositibo sa COVID-19, makaraang makapagtala ng 4,899 new infections nitong Linggo.

Nasa 48,157 ang kasalukuyang ginagamot, habang 12,829 na ang namatay, ayon sa Department of Health (DOH).

DOH COVID-19 Case bulletin as of March 14, 20219


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Quezon City government imposes two-week liquor ban beginning today, March 15, amid the spike of COVID-19 cases in Metro Manila.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results