PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTO nagtakda ng standard fees para sa driving courses

Epektibo na simula sa April 15
by KC Cordero
Published Mar 23, 2023
Photos of student drivers
Sa bagong guidelines ng Land Transportation Office, magiging standard na ang bayad at oras ng training para sa theoretical driving course at practical driving course.

Mag-aaral ka na bang mag-drive?

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) noong March 22, 2023, ng bagong guidelines para sa akreditasyon at pamamahala sa mga driving schools, gayundin ang standardization para sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng pagmamaneho at gustong maging konduktor.

Lahat ng ito ay ipatutupad simula sa April 15, 2023.

Read also: Minimum na pasahe sa dyip, balik-PHP9 sa April

Batay sa inilabas ng LTO na Memorandum Circular No. JMT-2023-2390, ang mga private driving institutions ay maaari lang maningil ng hanggang PHP1,000 para sa theoretical driving course (TDC).

Maaari naman silang maningil ng PHP2,500 hanggang PHP8,000 para sa practical driving course (PDC)—depende sa klase ng sasakyan o kaya ay license code ng aplikante.

New driving school rates

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Pets, dapat pabakunahan; magpagamot agad kung nakagat—PhilHealth

Isinasaad din sa memorandum na ang mga aplikante ay maaaring kumpletuhin ang mandatory 15-hour theoretical driving course sa loob ng dalawang araw. Ito ay sa halip na tatlo hanggang pitong oras sa unang araw, at walong oras sa susunod na araw.

Kailangan namang tapusin ng aplikante ang mandatory 15-hour theoretical driving course sa loob ng isang buwan.

Samantala, ang practical driving course ay kailangang isagawa nang hindi bababa sa walong oras kada license code.

Ayon sa memorandum, "PDC for light and heavy vehicles shall be conducted for at least two days while eight-hour PDC for motorcycles may be conducted in one day, provided that the student-driver has proven to have already acquired the knowledge based on the assessment by a practical driving instructor."

Drivers' seminar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Bureau of Immigration clarifies issue about bringing yearbook, diploma of departing passengers

Required din ang mga driving schools na irehistro ang biometrics at iba pang detalye ng kanilang aplikante sa LTO system gamit ang Land Transportation Management System (LTMS) Client ID para madetermina ang aktuwal na pagsisimula ng kanilang TDC.

Ito ay para maiwasan ang isyu ng non-appearance ng ilang mga aplikante.

Nakasaad sa memorandum, "Registration of his/her biometrics before and after every session for attendance purposes is required.

“The Driving Institution shall provide and maintain an attendance sheet to record the actual presence of the applicant during the conduct of the face-to-face TDC and written examination or validation."

Read also: Interested na maging bumbero? Magkano suweldo?

Kapag nakumpleto ang course at nakapasa sa final exam sa TDC at sa eight-hour PDC, ang aplikante ay bibigyan ng Certificate of Course Completion na “real-time and electronically transmitted” sa LTMS sa pamamagitan ng Driving Institution Portal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ginanap na press conference sa LTO head office sa East Avenue, Quezon City, nagbabala si LTO Chief, Assistant Secretary Jose Arturo Tugade sa mga driving schools na ang overcharging o kabiguang makasunod sa mga bagong patakaran ay magreresulta sa multa, suspensiyon, o pagkatanggal ng kanilang accreditation.

Pahayag ni Tugade, “Nabuo ang maximum prescribed rates na ito bilang tugon sa apela ng marami nating kababayan na umiiyak sa mataas na singilin, pero maituturing din itong patas na hakbang para sa driving schools.”

Read also: ALAMIN: PhilHealth benefits para sa mga miyembrong buntis

Ang mga driving schools na hindi susunod sa itinakdang rates batay sa memorandum ay pagmumultahin ng PHP50,000, at anim na buwan na suspensiyon sa unang paglabag.

Sa ikalawang paglabag, pagmumultahin ang mga ito ng PHP100,000 at papatawan ng isang taon na suspensyon.

Tuluyan namang kakanselahin ang accreditation sa ikatlong paglabag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa bagong guidelines ng Land Transportation Office, magiging standard na ang bayad at oras ng training para sa theoretical driving course at practical driving course.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results