PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Twitter users kailangan nang magbayad para maging verified account

Blue verification check marks, bilang naglaho!
by KC Cordero
Published Apr 21, 2023
Vice Ganda, Karen Davila, and Lea Salonga on unverified accounts on Twitter
Apektado maging ang mga high-profile users ng Twitter, gaya nina Vice Ganda, Lea Salonga, at Karen Davila, sa ipinapatupad ng platform na subscription service. Kailangan nang magbayad ng PHP448.00 monthly para maging verified account.
PHOTO/S: Twitter

Marami sa Twitter users na hindi pa nag-sign up sa subscription service ng nasabing social-media platform ang nagulat ngayong April 21, 2023 (Manila Time), nang makitang wala na ang blue verification check marks sa kani-kanilang accounts.

Kabilang sa mga nag-disappear ang blue verification check marks ang Twitter accounts ng mga media outlets, journalists, academics, at maging mga celebrities.

Apektado rin ang maraming Twittern users gaya nina Kim Kardashian, Beyonce, Bill Gates, Pope Francis, former US president Donald Trump—at ang Twitter founder na si Jack Dorsey.

Ganito rin ang sitwasyon sa ating local celebrities, gaya nina Vice Ganda, Lea Salonga, Karen Davila, at Ruru Madrid.

BAHAGI NG MGA PAGBABAGO SA TWITTER

Noong isang linggo ay nag-tweet ang bagong owner ng Twitter na si Ellon Musk na ang final date sa pagtatanggal ng legacy blue checks ay July 20.

READ Meet Bernard Arnault, world's richest man na tumalo kina Elon Musk, Bill Gates

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang desisyon ni Musk ay para maka-move forward sa mga pagbabagong gusto niya para sa Twitter kahit pa maaapektuhan ang mga high-profile users.

Matapos mawala ang legacy blue checks, may mga users na nagsabing plano na nilang umalis sa site.

Last April 1, nauna nang in-anunsiyo ng Twitter na sisimulan na nitong alisin ang blue checks na ibinigay sa ilalim ng lumang verification system.

Binigyang-diin din ng Twitter na isa sa mga dahilan ay para mapangalagaan ang high-profile users laban sa impersonation.

HINDI NA FREE ANG TWITTER

Ani Musk, para manatiling “verified” ang account ng user, kailangan nitong magbayad ng US$8 kada buwan—o PHP 448.00—para mabigyani ng Twitter ng blue subscription mark.

Nagsimula nang tumanggap ng bayad ang Twitter noong December 2022.

Ang mga prominenteng Twitter users, gaya ng Hollywood actor at Star Trek cast member na si William Shatner at anti-bullying activist na si Monica Lewinsky ay dati nang kumontra sa idea na magbabayad para lang maging ligtas sila sa impersonation sa Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang-diin ng dalawa na bilang power users na nakakahatak ng users para gamitin ang social-media platform, hindi nila kailangang magbayad.

Bago pa man tuluyang maglaho ang blue check marks, nagpahiwatig si Lewinsky, na may 1.2 million followers sa Twitter, na aalis na siya sa nasabing platform.

PARA UMANO PANTAY-PANTAY ANG LAHAT SA TWITTER

Para naman kay Musk, ang mga pagbabago sa verification system ng Twitter ay isang paraan para itrato ang lahat ng users nang pantay-pantay.

“There shouldn’t be a different standard for celebrities,” pahayag niya sa isang tweet.

Ang paid feature ay source of revenue rin for Twitter.

Makakatulong ito kay Musk sa kanyang financial obligations matapos bilhin ang Twitter sa halagang US$44 billion.

Sinabi rin niyang ang pagre-require sa users na magbayad para sa verification ay makakatulong sa pagtanggal ng mga spam and scam accounts.

Inirereklamo na kasi ang dami ng bots sa Twitter.

TWITTER, POSIBLENG MAGING “PAY-FOR-PLAY SYSTEM”

Gayunpaman, sa panayam ng CNN last November 2022 kay Samuel Woolley, assistant professor sa University of Texas’ School of Information, sinabi nitong hindi garantiya ang mga plano ni Musk para mawala sa Twitter ang mga “bad actors” na kayang magbayad para lang maging verified.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mangyayari, ayon kay Woolley, ang Twitter ay magiging “pay-for-play system.”

Kayang-kaya aniyang pondohan ng mga propagandista at ng mga taong nagkakalat ng disinformation at iba pang porma ng manipulasyon gamit ang Twitter ang kanilang operasyon.

Dagdag pa ni Woolley, ang pinakakinatatakutan ng social-media companies ay ang mga progandistang gaya ng Russian government, Chinese government, at mga grupong extremist na may pagkukunan ng malaking pondo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apektado maging ang mga high-profile users ng Twitter, gaya nina Vice Ganda, Lea Salonga, at Karen Davila, sa ipinapatupad ng platform na subscription service. Kailangan nang magbayad ng PHP448.00 monthly para maging verified account.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results