PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fake news: Inverter aircon na on 24 hours, mas tipid sa kuryente

Basahin ang pahayag ng Meralco.
by Bernie V. Franco
Published May 31, 2023
inverter aircon
Mukhang maraming na-scam ang viral life hack tungkol sa pagpapatakbo ng inverter aircon 24/7. Ipinaliwanag ng Meralco kung paano mas makakatipid sa paggamit ng aircon, inverter man o hindi.
PHOTO/S: Real Living

May consumers na nabudol ng life-hack video na nag-trending. Ang topic: Mas makakatipid daw ng kuryente kapag 24 hours pinaandar ang inverter aircon.

Paglilinaw ng Meralco, walang basehan ang life hack na ito.

Bandang huli, nagsisi ang mga sumubok ng hack na ito dahil sa halip na makatipid, lalo lang silang napagastos dahil mas mataas ang binayarang electricity bill.

Isa si Rheez Larry Ramos sa mga nabiktima.

Sabi ni Rheez sa report ng GMA Integrated News, “Sino bang aayaw sa ganon, kumbaga life hack makakatipid daw, so sinubukan ko siya.”

READ Keep your home cool while avoiding high electricity bill this summer

Mula sa 12 hours na paggamit ng inverter aircon, ginawa itong 24/7 ni Rheez.

Bukod sa aircon, ang electric appliances niya sa bahay ay electric fan, charger, water dispenser, at TV.

Pagdating ng electric bill, ang dating PHP3,000 monthly bill ni Rheez ay naging triple!

“Yung bill, PHP9,000 plus! Sabi ko, ‘OMG!’ dahil sa life hack na iyon, ine-expect ko kahit papano PHP4,000 or something lang madadagdag, okay lang sa akin. Kaso na-life-shocks ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito rin ang sinapit ni Ian Rico, isang entrepreneur na sinubukan din ang 24-hour inverter aircon life hack.

Sabi ni Ian, “Sinubukan naman namin kaso para akong na-scam kasi nagtitipid nga, di ba?”

Kinontra rin ng Meralco ang viral inverter aircon life hack.

Sabi ni Joe Zaldarriaga, vice president and head for corporate communication ng Meralco: “Walang basehan iyan… kasi pag ginamit mo ang isang appliance—for example, in this particular case, yung aircon—kahit iyan inverter technology, pag iyan ay ginamit nang 24 oras…”

READ Andrea Brillantes's immediate goal is very timely: "Sana aircon na kami forever."

HOW INVERTER AIRCON WORKS

Samantala, ipinaliwanag ni Engineer Alfred Iporac, Meralco power lab manager, ang isyung hindi makakatipid kung patay-sindi ang aircon.

Simula ni Iporac, ang paggamit ng aircon “already accounts to 50-60 percent of the total electricity bill.”

“Kung turned on and off tayo sa ilang sitwasyon, hindi ito makakatipid,” ani Iporac sa Unang Hirit interview.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paalala niya, ang time ay ang importanteng factor sa pagkonsumo ng kuryente.

“Ang electricity consumption is a function of time. Ilang oras ba natin ito ginagamit?” ani Iporac.

“So mas mahabang oras na ginagamit, so mas magkokonsumo ito.”

READ Paano ang tamang paggamit ng electric fan?

Sabi niya, mas makatitipid sa kuryente ang paggamit ng inverter aircon ng 8-12 hours kumpara sa paggamit nito ng 24 oras.

Ang kinumpirma ni Iporac ay totoong umaabot sa 25-62 percent in savings ang paggamit ng inverter appliances kumpara sa non-inverter.

Dito raw pumapasok na mas malaki ang matitipid at mararamdaman ito kalaunan.

Lumalabas din na case-to-case basis ito, base sa paliwanag ni Iporac.

Halimbawa, ang paggamit ng inverter refrigerator ay mas beneficial kumpara sa paggamit ng non-inverter refrigerator na nakasindi 24/7.

Ganito rin naman sa paggamit ng inverter aircon kumpara sa non-inverter aircon.

Pero mas makakatipid sa kuryente ang paggamit ng aircon—inverter man o hindi—nang maiksing oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Iporac, “Kung lalabas ka ng bahay sandali, sa ganitong sitwasyon, sandali ka lang lalabas ng kuwarto, puwede nang hindi patayin ang aircon.”

Ibig sabihin, mas advisable na huwag nang magpatay ng inverter aircon kung aalis ng kuwarto ng ilang minuto o maximum ng isang oras lamang ang itatagal.

READ Former Pisay student invents eco-friendly aircon

Aniya, “Wag mo nang i-turn off. [Pero] pag matagal, kunwari ngayong umaga tapos babalik ka ng hapon, of course, better to turn it off.”

Ano ba ang nangyayari kung pinatay ang aircon at mawawala ng hanggang isang oras?

“Ang nangyayari kasi, as we turn off [the aircon], umiinit kasi ang indoor room temperature ng ating kuwarto.

“At kada bukas ng aircon, mataas kasi ang starting power nito. So, in effect, mataas ang magiging consumption niya on the first hour.

“Dahil uminit uli ang room, hahabulin na naman [ng] aircon yung temperature difference na kinakailangan para palamigin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, in effect, hindi siya makakatipid kung sandali ka lang aalis, tapos papatayin mo tapos bubuhayin mo.

“Every time you turn it on, it works harder kesa dire-diretso mo siya gamitin.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mukhang maraming na-scam ang viral life hack tungkol sa pagpapatakbo ng inverter aircon 24/7. Ipinaliwanag ng Meralco kung paano mas makakatipid sa paggamit ng aircon, inverter man o hindi.
PHOTO/S: Real Living
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results