PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gokongwei, Zobel Groups Back UP Fighting Maroons

Bank of the Philippine Islands, sponsor na rin ng team.
by KC Cordero
Published Jan 5, 2024
Photo of UP Fighting Maroons fans
Sa pagsasanib-puwersa ng mga bangko ng mga Gokongwei at Zobel groups noong isang taon, naging magkatuwang din ang mga ito ngayon sa pagiging sponsor ng UP Fighting Maroons Men’s Basketball Team. (Photo courtesy of UPMBT)

Bukod sa pagsasanib-puwersa ng mga bangko ng Gokongwei at Zobel groups, magkatuwang na rin ang mga ito ngayon sa pagiging sponsors ng University of the Philippines Men’s Basketball Team—mas kilala bilang UP Fighting Maroons.

Ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ng Zobel groups ang pinakahuling naging corporate backer ng nasabing collegiate basketball team.

Long-time supporter naman ng team si Robina Gokongwei-Pe, ang president ng Robinsons Retail Holdings Inc. at alumna na UP Diliman.

Read: Meet the country's richest sisters

Photo of Robina Gokongwei-Pe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Robina Gokongwei-Pe nagbigay-pugay kay Ping Lacson: "Time to relax, White Knight!"

Isa rin siya sa top financiers ng “Nowhere to Go but UP Foundation,” na nagkakaloob ng pondo sa iba’t ibang sports teams ng UP.

Nag-take over ang BPI sa Robinsons Bank sa pamamagitan ng PHP32-billion merger.

Nauna rito, nag-isyu ang BPI ng 314 million shares—o halos katumbas ng anim na porsiyentong stake—sa JG Summit Holdings at Robinsons Retail Holdings para ma-acquire ang Robinsons Bank.

Ang merger ng BPI at Robinsons Bank ay nagkabisa simula noong January 1, 2024.

Read: Walang taong ahas sa mall! Wakasan na ang "false" at "very stupid" story

Photo of UP Fighting Maroons team

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Netizens go gaga over Alodia Gosiengfiao-Christopher Quimbo's wedding sponsors

Ang pagiging sponsor naman ng BPI sa UP Fighting Maroons ay magsisimula sa 87th Season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), kung saan magiging host ang UP.

Sa 86th Season ay lumaban ang UP Fighting Maroons sa kampeonato, pero natalo sa La Salle Green Archers.

Para sa mga business insiders, naging instrumental si Robina para mahikayat ang BPI na suportahan ang UP Fighting Maroons.

Read: Robina Gokongwei Pe delivers humorous eulogy for dad John Gokongwei Jr.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagsasanib-puwersa ng mga bangko ng mga Gokongwei at Zobel groups noong isang taon, naging magkatuwang din ang mga ito ngayon sa pagiging sponsor ng UP Fighting Maroons Men’s Basketball Team. (Photo courtesy of UPMBT)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results