Masisilip na ng mga Katoliko ang naging buhay ni late Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.
Ang tahanan ng kanyang pamilya sa bayan ng New Washington sa Aklan ay ginawa na ngayong museum.
Sa post ng official Facebook page ng The Manila Cathedral noong August 31, 2024, inihayag na ang bahay ng pamilya Sin ay ginawang “Museo Kardinal” at magiging bukas sa publiko simula September 1.
Read: Manila to give PHP2K cash gift to PLM, UDM graduating students

Read: Soldier becomes influencer amidst chaos of war
Ang buong post ng The Manila Cathedral, published as is: “The Diocese of Kalibo, through the generous support of Serviam Foundation and Friends of Museo Kardinal, transformed the original house of His Eminence Jaime Cardinal Sin into a museum called ‘Museo Kardinal.’
“It is located in New Washington, Aklan.
“The museum is a tribute to the life and legacy of Cardinal Sin.
“It displays collection of His Eminence’s personal memorabilia and other ecclesiastical arts.
“Museum guests can also visit the souvenir shop and coffee shop on the ground floor.
“Museo Kardinal will open to the public on September 01, 2024.”
Ang pamilya ni Cardinal Sin ay namalagi sa lumang tahanan simula 1974 hanggang 2003.
Ang pagta-transform dito para maging museo ay naaprubahan sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement na nilagdaan noong August 31, 2023, ng Diocese of Kalibo at Serviam Foundation, ang property custodian ng naturang bahay.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
MUSEO KARDINAL, May LAYONG IPRESERBA ANG LEGACY NI CARDINAL SIN
Ayon sa mga organizers, ang pagtatatag ng Museo Kardinal ay naglalayong mapreserba ang mga alaala ni Cardinal Sin at maituro sa mga susunod na henerasyon ang tungkol sa kanyang naging buhay.
Read: Isang pagbabalik-alaala ng isa sa mga "bayani" ng EDSA Revolution...

Read: June Keithley: boses at bayani ng EDSA Revolution
Inalala rin noong August 31 ang 96th birth anniversary ni Cardinal Sin, na malaki ang naging papel sa 1986 EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa rehimeng Marcos.
Si Cardinal Sin ang ika-30 Catholic Archbishop ng Maynila at ikatlong cardinal na Filipino.
Ipinanganak siya sa New Washington, Aklan noong August 31, 1928.
Pumanaw siya noong June 21, 2005 dahil sa kumplikasyon sa kidney dahil sa sakit na diabetes.
Read: Lumad Schools: Isang masalimuot, malungkot na kuwento
PERSONAL BELONGINGS NI CARDINAL SIN, MEMORABILIA, NAKA-EXHIBIT SA MUSEO KARDINAL
Mula pa noong June 2024, sinasanay na ng National Museum sa Visayas ang mga staff ng Museo Kardinal bilang paghahanda sa pagbubukas nito sa publiko.
Kabilang sa mga naka-exhibit sa Museo Kardinal ang mga personal na gamit ni Cardinal Sin na nasa pag-iingat ng Serviam Foundation.
Read: 57 percent of Pinoys not in favor of divorce
Maging si Fr. Rufino Sescon, Jr., ang dating personal secretary ni Cardinal Sin at kasalukuyang rector ng Minor Basilica at ng National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, ay nag-donate ng iba’t ibang items at memorabilia sa museum.
Ayon naman kay Fr. Justy More, chairperson ng Historical Research and Cultural Council at project coordinator ng Museo Kardinal, ang idea para sa museum ay ipinanukala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ginanap sa Kalibo bilang paghahanda na rin sa 50th anniversary jubilee ng Kalibo Diocese sa 2026.
Read: A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.—the film
