PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What happens when you don’t turn on airplane mode during flight

Here's what you needed to know about your cell phone's airplane mode setting.
by Bernie V. Franco
Published May 14, 2025
airplane mode
Here's what you need to know about turning on your electronic gadget's airplane mode when you fly on a plane.
PHOTO/S: Canva

Marahil ay aware ka na may airplane mode sa iyong mobile phone o kaya sa laptop. Pero aware ka ba sa gamit ng mode na ito?

Bakit kailangang i-turn on ito kapag lilipad sakay ng eroplano? Ano ang mangyayari kung nakalimutan mo itong i-turn on bago lumipad?

Lumalabas na malaking porsiyento ng mga passengers ay hindi nababahala o hindi nag-aabalang mag-airplane mode tuwing bibiyahe sa himpapawid.

Sa 2017 survey ng PR Newswire, isang global distribution network ng press releases at media content, lumalabas na 40% ng Americans ang hindi laging nagse-set ng airplane mode ng kanilang phones kapag nasa flight.

Habang 17% naman ang hindi nag-o-on ng gadget setting na ito.

Oras na naka-airplane mode ang iyong gadget, naka-off na ang radio frequency ng gadget, kaya’t wala na itong kakayahang makatanggap ng tawag o gumawa ng tawag, makatanggap o mag-send ng text messages, at magamit ang Internet.

AIRPLANE MODE ACCORDING TO A PILOT

Noong December 2024, nag-viral sa TikTok ang video ng isang TikTok user na si PerchPoint.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si PerchPoint ay isang airline pilot at U.S. Army veteran.

Ang kanyang video ay may 1.3 million views.

Sa one-minute video, ipinaliwanag ng piloto ang importansiya ng airplane mode.

“It’s not the end of the world. The plane will not fall out of the sky, and it won’t even mess with the systems on board,” paliwanag niya, sakali mang hindi na-activate ng airplane mode ang pasahero.

“However, it does have potential to mess up with the headsets,” pagtukoy sa communication system ng flight staff.

Kahit daw tatlo o apat lamang na pasahero ang magtangkang mag-connect sa isang cell network, puwedeng makaabala ang radio waves ng cell phones nila sa radio waves ng communication system ng flight staff.

“There’s a potential that those radio waves can interfere with the radio waves of the headsets that the pilots are using,” sabi ni PerchPoint.

cellphone airplane
If a flight passenger's phone is not set on airplane mode, it might interfere with the communication system of the pilots in the cockpit.
Photo/s: Canva
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Employee commutes by plane daily for work; saves PHP8K monthly

INTERFERENCE DURING FLIGHT

Naglahad ng halimbawa ang piloto kung ano ang mangyayari kapag nag-interfere ang radio waves sa communication ng piloto.

Nangyari raw ito nang naghahanda na silang paliparin ang eroplano mula sa taxi way ng airport.

“Once we got the plane turned around, we headed toward the taxiways. Then I called the ground to get our clearance to which direction we had to go, and as soon as we started getting the directions there’s, like, this really annoying buzz going through the headset.

“It kinda sounds there’s a mosquito in my ear. Pretty annoying when you’re trying to copy down the instructions. Sounds like a wasp," ani PerchPoint.

Nagbigay ng reaction ang isa pang experienced pilot kapag hindi ginamit ang airplane mode sa flight.

“Not a damn thing,” anang longtime pilot na si Gary Coxe sa report ng Travel + Leisure website, May 12, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, para raw sa maraming aviation experts ay “considerate” na ilagay sa airplane mode ang iyong phone kapag nasa eroplano.

Limitado kasi ang visibility ng mga piloto kapag nagpapatakbo ng eroplano, kaya nakaasa sila sa intel mula sa communication nila sa ground control, lalo na kapag magla-landing o magti-take off ang eroplano.

Magkakarinigan man ang piloto at ang ground control, mas mahihirapan silang magkarinigan kapag nagkaroon ng interference.

Noong 1991, naglagay ng ban ang Federal Communications Commission (FCC) ng U.S. na gamitin ang cell phones habang nasa himpapawid dahil ang cell phone signals ay maaaring maka-interfere sa “critical aircraft instruments.”

Noong 2013, pinayagan ng FCC na gamitin ang cell phones habang nasa flight, basta nasa airplane mode ang mga ito.

Sa mga pasaherong lumilipad sa United Kingdom at European Union, hindi na hinihingi sa mga pasahero na ilagay sa airplane mode ang kanilang cell phones.

Simula noong June 2023, ipinag-utos sa mga EU member airlines na maglagay ng special network equipment sa kanilang aircraft para manatiling connected ang mga pasahero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang network equipment na ito ay tinatawag na “picocell” na portable cell tower, ulat ng Travel + Leisure.

Subalit hindi ganito ang sitwasyon pagdating sa American airlines.

Ang 5G networks kasi ng European airlines ay gumagamit ng lower frequency na hindi nakaka-interfere sa technology ng aircraft.

Samantala, ang 5G networks ng U.S. airlines ay gumagamit ng higher frequency na puwedeng maka-interfere sa aircraft technology.

At this writing, ipinapatupad pa rin sa American airlines ang “safety instructions” tulad ng pagse-set sa airplane mode ng electronic gadgets.

Binanggit din sa ulat na wala pang nakukulong sa mga pasaherong tumatangging mag-airplane mode.

Pero may ilang pagkakataon naparusahan ang mga pasaway na pasahero.

Noong 2016, pinagmulta ang isang passenger ng isang British regional airline ng $600 (PHP33,000). Sinuway kasi ng pasahero ang isang flight attendant na may kinalaman sa gadget ng pasahero.

Taong 2018 naman, may report tungkol sa isang American passenger na pinababa sa eroplano ng American regional airline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipagtalo ang pasahero sa isang flight attendant kung naka-airplane mode ba ang cell phone ng pasahero.

Read: 200-year-old letters of students found; give a peek into the past

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here's what you need to know about turning on your electronic gadget's airplane mode when you fly on a plane.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results