PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MRT-3, LRT-2 to implement 50% fare discount starting March 23

Magandang alternatibo para sa mga car owners.
by Bernie V. Franco
Published Mar 21, 2026 | Updated Mar 21, 2026
MRT passengers
Here’s what you need to know about the 50-percent fare discount for MRT-3 and LRT-2 passengers.
PHOTO/S: DOTR via Facebook

Kalahati o 50 percent na lamang ang halaga ng pamasahe ng mga pasahero sa MRT-3 at LRT-2 simula Lunes, March 23, 2026.

Ginawa ng gobyerno ang hakbang na ito upang kahit paano ay mapagaan daw ang pasanin ng mga commuters sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

“Pagagaanin natin ang araw-araw na biyahe. Sa MRT at LRT ay magdidiskwento po tayo sa pamasahe,” parte ng mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos noong Miyerkules, March 18, 2026.

Ang abiso ay ipinost ng Department of Transportation (DOTr) sa Facebook noong Huwebes, March 19, 2026.

“Prayoridad natin ang tuluy-tuloy na biyahe at mas murang pamasahe kaya magbibigay tayo ng 50% discount sa MRT-3 at LRT-2 para sa lahat," parte ng pahayag ni Transportation Secretary Banoy Lopez.

Malaking tulong daw ang 50-percent discount.

Hayag pa ni Lopez, magandang alternatibo rin ito sa car owners, dahil mas makakatipid sila kung sa tren sasakay kesa dalhin ang sasakyan na kukonsumo ng langis na patuloy ang pagtaas ang presyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman binanggit ng DOTr kung hanggang kailangan ipapatupad ang 50-percent fare discount sa MRT-3 at LRT-2.

Read: Meralco tips to save up to PHP2K on monthly electricity bill

DISCOUNTS STILL APPLY TO SENIORS, STUDENTS, PWD

At kahit na babawasan na ng 50 percent ang regular na pamasahe, patuloy pa ring iiral ang 50-percent discount na ibinibigay sa mga senior citizens, Persons With Disabilities (PWD), at mga estudyante. Sila ang mga white beep card holders.

Automatic ding 50 percent ang pamasaheng made-deduct sa mga blue beep card holders o regular passengers.

Ganoon din ang mangyayari sa mga bibili ng single journey tickets.

Sa mga nagtatanong kung magkakaroon din ba ng parehong discount sa LRT-1, binanggit ang ongoing na pakikipag-usap ng DOTr sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation, isang private company.

MRT AND LRT-2's NEW fare MATRIX

Nitong Biyernes, inilabas ng DOTr via Facebook ang latest fare matrix ng MRT-3.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makikita rito na ang minimum fare ay PHP6, kung ihahambing sa regular fare na PHP13.

Sa ongoing fare matrix ay umaabot ng PHP28 ang pinakamahal na pamasahe sa MRT-3, pero sa discounted matrix ay PHP14 na lamang simula Lunes.

MRT fare matrix
Photo/s: DOTR via Facebook

Narito naman ang bagong fare matrix ng LRT-2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
LRT-2 fare matrix
Photo/s: Light Rail Transit Authority - Line 2 on Facebook

Read:

Kim at Jerald, ano ang kuwento sa viral wedding entrance?

Veteran actress, muntik nang pumalpak ang pagpapa-enhance

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here’s what you need to know about the 50-percent fare discount for MRT-3 and LRT-2 passengers.
PHOTO/S: DOTR via Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results