PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

E-trikes, e-bikes now banned on Metro Manila's major highways

Violators will face penalties and punishments.
by Bernie V. Franco
Published Jan 2, 2026
e-trikes
NO MORE E-TRIKES, E-BIKES ALLOWED. Land Transportation Office just released an announcement saying e-trikes and e-bikes are no longer allowed on major thoroughfares in Metro Manila. Here's what you need to know.
PHOTO/S: Yancy Lim via LTO on Facebook

Tuloy na tuloy na ang pagbabawal sa mga e-trikes at e-bikes sa pagdaan sa major highways sa Metro Manila ngayong January 2, 2026.

Katapusan ng November 2025 nang unang ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ang mandatong ito na dapat sana'y nagsimula noon pang December 1, 2025.

Subalit binawi ito ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa dami ng natanggap na reklamo. Ni-reset ito sa January 2, 2026.

Kaya ngayong ikalawang araw ng Bagong Taon, wala nang makakapigil sa pagpapatupad nito.

Ang mga mahuhuling lumabag ay pagmumultahin at posibleng ii-impound ang e-trike o e-bike nila.

Magtatalaga naman ng mga traffic enforcers ang LTO para tiyaking walang lalabag at para manghuli ng violators.

Kabilang sa mga major highways na bawal daanan ng e-trikes at e-bikes ay ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), C-5 Road, Roxas Boulevard, at South Luzon Expressway (SLEX), na mula Quirino Avenue hanggang Magallanes.

Bakit nga ba kailangang ipatupad ang e-trike at e-bike ban?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng LTO: Para ito sa kaligtasan ng mga driver at motorista dahil delikado at hindi sila angkop na makipagsabayan sa bilis ng mga sasakyan sa major thoroughfares.

Read:

LTO WILL PUNISH VIOLATORS

Sa press release na ipinost ng LTO sa Facebook noong Bagong Taon, binigyang-diin ang kahalagan ng mandato na ito.

“Ang pagpapatupad na ito ay nakabatay sa pangkalahatang konsiderasyon sa kaligtasan sa kalsada,” ayon kay LTO Chief and Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

“Ang mga pangunahing lansangang ito ay idinisenyo para sa mas mabilis at mas malalaking sasakyan, at hindi angkop para sa mga e-trike dahil sa bilis ng daloy ng trapiko, dami ng sasakyan, at lawak ng mga lansangan.

“Ang pagsasabay ng mababagal at magagaan na sasakyan sa ganitong uri ng kalsada ay nagdudulot ng malinaw na panganib sa lahat ng gumagamit ng daan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
E-tirkes, e-bikes
Land Transportation Office explains this ordinance is to ensure safety of drivers and passengers of e-trikes and e-bikes.
Photo/s: GMA Integrated News

Dagdag pa ng LTO chief, makikipag-ugnayan ito sa mga kaukulang ahensiya para lumikha ng comprehensive joint guidelines.

Ani Lacanilao: “[H]anda ang LTO na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at mga sektor ng industriya para bumuo ng mga ligtas at angkop na ruta para sa mga e-trike sa mga darating na araw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NO MORE E-TRIKES, E-BIKES ALLOWED. Land Transportation Office just released an announcement saying e-trikes and e-bikes are no longer allowed on major thoroughfares in Metro Manila. Here's what you need to know.
PHOTO/S: Yancy Lim via LTO on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results