Isyung kubeta, higit pa sa kung sino ang puwedeng gumamit

by Bibeth Orteza
Sep 4, 2019
Marami ang wagas kung maka-react sa toilet issue ng mga transgender, but sadly, dedma sila sa ibang balita na dapat ay mas ikagalit nila.
PHOTO/S: iStock

Hello po. Welcome ulit to Labandera Chronicles.

Natabunan na, as you very well know, ang mga Pambansang Sawsawang involved sa ghosting.

Nangyari ito noong August 14, no’ng nagtangkang pumasok sa isa sa mga ladies’ room ng Farmers’ Mall, ang transwoman na si Gretchen Diez. Pagkatapos, yadda-yadda-yadda, hindi na ako magbibigay pa ng mga detalye, dahil alam kong alam niyo na kung ano itong sinasabi ko.

Nakapagbigay na rin ng payo si Jojo Gabinete, tagapamahala ng mga Cabinet Files sa PEP alerts, kay Gretchen, na sana ay huwag ikalaki ng ulo nito ang natamo niyang “15 minutes of fame,” dahil pagka pangyari ng insidente, hello, she was all of a sudden center-of-attraction in the Senate, and lo-and-behold, doing fist bumps with Malacañang folks.

Hindi lang ako sang-ayon sa words of wisdom ni Jojo; I will also admit na nabahala ako sa anunsiyo ni Gretchen na tatakbo siya sa Congress. Too much, too soon, sa loob-loob ko, pero hindi bale.

Continue reading below ↓

Napapanahon na naman talagang pag-usapan kung saan ang toilet ng mga transgender, kung ipagpapatayo ba sila ng sarili nilang banyo, kung maari ba silang magshare ng banyo sa mga PWD, so on, and so forth—mga option na mariing tinututulan ng iba dahil kesyo this (may mga lalaking mag-aayos babae para lang makapasok sa ladies’ room at manggagahasa), and kesyo that (may babaeng nagpost sa FB na isang beses na gumamit daw siya ng ladies’ room ay may inabutan siyang tatlong transwomen na naglabas daw ng genitals nila para “ayusin” ang puwesto, na wala raw pakialam na pinagtitingnan sila ng ibang “tunay” na babae).

And then, pumutok na’t lahat ang balitang lalaya na raw ang convicted rapist-murderer na si Antonio Sanchez, dating Mayor ng Calauan dahil sa Good Conduct Time Allowance kung saan diumano’y bale napagsilbihan niya na ang 40 years na parusa niya sa preso, hindi pa rin tumatahimik ang mga tumututol sa usaping paggamit ng transgenders sa ladies’ room.

Continue reading below ↓

Someone even went to the extent of posting a picture showing what was clearly urine drops on toilet seats, with the caption: “Imagine pag puwede ang mga bakla gumamit ng toilet ng mga babae?”

That really, really, offended me, kasi instead of discussing the merits and demerits of the issue on hand, dinaan sa ganoong kababoy na litrato?

I mean I have gay friends; at 65, I have more gay friends than I can count, and none of them, not one, ever used a toilet as depicted in that awful photo.

Sabi ko tuloy sa FaceBook: "There are much bigger things to get angry about in this country than transgenders using toilets of their choice."

Gutom ang mga magsasaka, apektadong lubha sa Rice Liberalization Law; ang palay ay PHP7 na lang per kilo. OK sa iyo, basta bawal ang trans sa ladies’ room? Parang gano’n lumalabas, dahil hindi mo pinipitik ang mga dapat pitikin sa rice importation na naging dahilan kung bakit rice importers ang kumikita imbes ang mga magsasaka, mas priority mo ang protesta mo laban sa trans.

Continue reading below ↓

Nag-iingay ka kontra sa paggamit ng transwoman sa ladies’ room, pero tahimik ka sa pagpapalaya kay Sanchez? Naririmarim ka ‘kamo sa makasalanang mga bakla, and yet di mo kinukuwestiyon ang mga parumba ni Faeldon between “memo” and “order for release,” etcetera?

Tutol ka sa paggamit ng ladies room ng trans, pero dedma ka sa di pagbayad ng pamilya ni Sanchez ng PHP12M+ na danyos sa mga biktima—and you call what you’re fighting for “respeto sa dignidad ng mga tunay na babae?”

Psst, girl: Ang tunay na pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan ay higit pa sa kung sino lang ang maaaring gumamit ng kubeta! ###

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang wagas kung maka-react sa toilet issue ng mga transgender, but sadly, dedma sila sa ibang balita na dapat ay mas ikagalit nila.
PHOTO/S: iStock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results