Amalia Fuentes at Tony Mabesa, magkasunod na pumanaw

by PEP Troika
Oct 5, 2019
Ilang oras lamang ang pagitan ng pagpanaw ng dating movie queen na si Amalia Fuentes at ng veteran theateractor-director na si Tony Mabesa.
PHOTO/S: Video 48 / Facebook

JERRY OLEA

Nagluksa ang local showbiz sa pagpanaw nina Direk Mel Chionglo at entertainment editor-columnist Isah Red noong Setyembre 21, Sabado.

Noong gabing iyon ay may pa-birthday dinner si Direk Joel Lamangan sa Alba restaurant, Morato Avenue, Quezon City.

Nang usisain ko si Direk Joel kung ano ang natanto niya sa pagpanaw ng kaibigang si Direk Mel, ang kanyang sagot, “Naku, Diyos ko! Pag ganitong edad na, dapat magkita-kita na tayo! Palagi tayong nagkikita dapat!”

Isa sa mga panauhin ni Direk Joel nang gabing iyon ay si Tony Mabesa, na suki sa kanyang mga pelikula at birthday celebrations.

Nagwaging best supporting actor si Tony sa 44th Metro Manila Film Festival last December para sa Rainbow’s Sunset na idinirek ni Direk Joel.

Pumanaw si Tony nitong Oktubre 4, Biyernes ng gabi.

Makalipas ang ilang oras, pumanaw naman ang movie queen na si Amalia Fuentes nitong Oktubre 5, Sabado ng madaling-araw.

Kapwa pinagpugayan sina Amalia at Tony sa 3rd Eddys ng SPEEd noong Hulyo 14, Linggo, sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

Continue reading below ↓

Kabilang din sina Amalia at Tony sa 300 luminaries na pinarangalan sa Sine Sandaan noong Setyembre 12, Huwebes, doon din sa New Frontier Theater.

Dumalo si Tony sa dalawang showbiz event na iyon.

NOEL FERRER

“The passing of an era,” sabi ni Direk Joey Reyes sa kanyang Facebook post sa pagpanaw ng mga mahal nating movie greats tulad nina Sir Tony at Tita Nena (palayaw ni Amalia).

“They have joined other industry stalwarts like Mel Chionglo, Mona Liza, Eddie Garcia, Maryo J de los Reyes, Gil Portes, Armida Siguion-Reyna, Soxy Topacio, Emmanuel Borlaza at marami pang iba.

“Right before our eyes, a generation is coming to pass." sabi ni Direk Joey.

Stop na muna, quota na ng deaths sa industriya natin.... good news naman muna, please!

Nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya at kaibigan nina Sir Tony at Tita Nena.

GORGY RULA

Best actor sina Tony Mabesa at Eddie Garcia sa 42nd Worldfest Houston Film Festival noong Abril 2018 sa Houston, Texas para sa Rainbow’s Sunset.

Continue reading below ↓

Dadalo sana si Amalia kahit naka-wheel chair sa 3rd Eddys, pero ang apo niyang si Alfonso Martinez ang tumanggap ng kanyang award.

Sa panahon ngayon, huwag na tayong mag-entertain ng kanegahan.

Sabi nga ni Manay Lolit, “Life is fleeting. Dapat, love love love na lang tayo!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang oras lamang ang pagitan ng pagpanaw ng dating movie queen na si Amalia Fuentes at ng veteran theateractor-director na si Tony Mabesa.
PHOTO/S: Video 48 / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results