Lauren Young, nais mabago ang kaisipan ng mga tao tungkol sa rape, victim blaming

by PEP Troika
Jun 17, 2020
Lauren Young on issue of rape and victim blaming: “I believe talaga that education really is the key. Hindi siya mari-resolve until we have a proper education system or until maging continuous conversation siya."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Lalong umiinit ang talakayan tungkol sa isyu ng rape at victim blaming nang magsalita si Frankie Pangilinan, anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.

Sinundan ito ng aktres na si Lauren Young, na nagkuwento tungkol sa naranasang sexual harassment minsang nagbakasyon siya sa Boracay.

Mabuti na lang at nakalaban si Lauren at nandiyan ang mga kaibigan niyang tumulong sa kanya.

Pati ang may-ari ng bar ay pinalabas ang taong nambastos sa aktres.

Pero paano raw ang mga kababaihang walang lakas na lumaban, at hindi kayang magsalita para ilahad ang naranasan?

Kaya ang hangad ni Lauren, hindi lang basta pag-usapan ito ngayon dahil trending topic ang hashtag na #hijaako.

Dapat daw ay may gawin ang mga mambabatas, dahil matagal na raw itong pinagdadaanan ng ilan sa ating mga kababaihan.

Hindi lang daw mga kababaihan, kundi ang ilang kalalakihang nakaranas din ng rape.

Pahayag ni Lauren, “I feel like it’s a conversation na hindi siya puwedeng makalimutan lang.

Continue reading below ↓

"At hindi siya isang trending topic na, okay, ito ngayon ang topic.

"Pero pag makalimutan at may dumating na ibang topic, makakalimutan na natin yung #hijaako o rape culture o victim blaming.

“You know, it happens so much in everyday lives of women, na hindi lang naman siya basta rape lang.

"Women get catcalled, men get raped as well, and we are constantly…

"A lot of women are living in fear and a lot of women go out on the streets being so uncomfortable.

"Kasi, araw-araw nilang nararanasan yun."

Nakapanayam namin si Lauren sa aming radio program sa DZRH nitong Hunyo 16, Martes ng gabi.

Patuloy ng nakababatang kapatid ni Megan Young, “I believe talaga that education really is the key.

"Hindi siya mari-resolve until we have a proper education system or until maging continuous conversation siya.

“The reason why I speak out, because I have this platform, and I want these girls to know na hindi sila nag-iisa.

Continue reading below ↓

“It’s so sad. Why would you blame a person who’s in so much pain already?"

Kaya hindi raw ito basta pag-usapan lang at gawing paksa sa ilang talk shows, kundi meron dapat ginagawang aksyon ang mga nasa awtoridad, na ang mali rito ay gumawa ng rape na krimen, hindi ang mga babaeng nagsusuot ng seksing damit.

“The people who exploit the people around them, sila ang dapat mong tutukan.

"Kasi, sila ang gumagawa ng crime. Sila ang gumagawa ng masama.

“I believe in education. I believe in conversation, and I truly believe that this is what we lack in this country.

"Not only in this country, but throughout the world. Ito talaga ang pagkukulang natin, e.

"Kasi, meron tayo yung... 'Sige, bahala na lang, ganu’ talaga, e.'

"Hindi puwedeng ganun, e.

"Dapat i-up natin yung standards sa buhay natin, e.

"Kung tingin mo, ganyan ka lang, hanggang diyan ka na lang talaga.

Continue reading below ↓

“Kung tingin mo, ganyan ang kapwa mo, wala silang mapupuntahan.

"But if you know that the power of education is there, and if we just find a way to educate the men around us, or the people around us who don’t understand why is this wrong, wala talagang mangyayari,” saad ni Lauren.

NOEL FERRER

Salamat sa celebrities ng bagong henerasyon tulad nina Frankie Pangilinan, Janine Gutierrez, pati na si Lauren Young sa pagiging vocal sa kanilang paninindigan.

Ang namamarkahan sa history ay yung mga sumasalungat at may prinsipyong nagpapalinaw sa kaayusang nagpapalaya at nagpapatingkad sa mabuting pagkatao.

Sana ay marami pang tumindig na mga kabataan tulad nila, na lalagpasan ang tawag ng pananahimik at takot!

JERRY OLEA

Dahil sa COVID-19 pandemic, bumaba ang crime rate sa bansa.

Malamang sa alamang, kumonti rin ang non-marital rape cases, lalo pa’t naka-community quarantine pa rin tayo.

Bawal lumabas, o ayaw lumabas ang karamihan, kaya hindi isyu ang pagsusuot ng sexy—lalo kung nasa loob ka lang ng bahay.

Continue reading below ↓

Kung susunod ang lahat sa social distancing, walang magaganap na panggagahasa.

Nais ko pa sanang dalirutin ang pinag-ugatan ng #hijaako pero natatabunan pa ito ng usapin sa coronavirus.

Nawa’y maghinay-hinay at mag-ingat sa pag-hanash ang mga nagdi-DJ Loonyo.

Baka ma-Lauren Young kayo!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lauren Young on issue of rape and victim blaming: “I believe talaga that education really is the key. Hindi siya mari-resolve until we have a proper education system or until maging continuous conversation siya."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results