Winwyn Marquez, may mensahe para sa ex-boyfriend na si Mark Herras

by PEP Troika
Oct 9, 2020
Winwyn Marquez, kinongratulate ang ex-boyfriend na si Mark Herras: "I’m happy for him. I’m happy for them na kahit paano, nag-settle down na siya with Nicole."
PHOTO/S: @teresitassen / @herrasmarkangeloofficial Instagram

GORGY RULA:

Masaya si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez para sa dating kasintahang si Mark Herras na magkakaroon na ng bagong baby kay Nicole Donesa.

Si Nicole ay Miss World 2014 Third Princess na naging co-star ni Mark sa defunct Kapuso teleserye na Bihag.

Noong August 2019 kinumpirma nina Mark at Nicole na sila ay magkasintahan. Na-engage sila nitong June 2020.

September 2020 naman nang inanunsiyo ng couple na buntis si Nicole at nakatakdang manganak sa January 2021.

Nakatsikahan namin si Winwyn noong Setyembre 30, Miyerkules sa virtual mediacon ng bagong episode ng I Can See You na "High-Rise Lovers."

Natatawa siya sa usapan namin na hindi raw siya ngayon nakaka-relate sa kuwento. Single pa rin kasi siya, unlike Tom Rodriguez at Lovi Poe na co-stars niya na parehong in a relationship.

ON MARK HERRAS HAVING A BABY

Kaya sinundan na namin ng tanong kung ano ang masasabi niya kay Mark na masaya sa piling ni Nicole, lalo na’t magkaka-baby na ang dalawa.

Continue reading below ↓

"Oo nga, e. Magkakaroon na siya ng family. I’m happy for him. I’m happy for them na kahit paano, nag-settle down na siya with Nicole," pakli ni Winwyn.

Matagal na raw silang walang komunikasyon ni Mark. Pero kapag magkaroon ng chance na magkita sila, iko-congratulate daw niya ang dalawa.

"Hindi pa kami nag-uusap ever since, e. Pero wala pa talagang chance. Walang chance mag-meet, kasi, wala rin talagang schedule na sumasabay.

"Pero siyempre, gusto ko rin silang makita at ma-congratulate na rin, kasi, kahit paano, friends din naman kami.

SINGLE BUT HAPPY

Happy raw ngayon si Winwyn na wala siyang karelasyon dahil naging abala rin siya sa training niya sa Philippine Navy para maging Reservist.

At mabuti nakapagtrabaho siya sa GMA-7, ito na ngang "High-Rise Lovers" ng I Can See You na magsisimula na sa Lunes, October 12.

Ayaw daw niyang mag-entertain ng mga manliligaw kung virtual lang naman.

"Okay akong mag-isa. Meron namang nandiyan sa paligid-ligid, pero it’s not a priority for me. Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko, e. “

Continue reading below ↓

"Ang hirap kasi ngayon, e. Ang hirap naman kasi kung laging Zoom lang o kaya, Facetime.

"Paano magliligawan, Facetime, Zoom? Ayoko ng ganun," napapangiting pahayag ni Winwyn.

JERRY OLEA:

Friends sina Mark at Winwyn pero matagal-tagal nang hindi nagkakausap.

Huwag na tayong mangarap na kukunin ni Mark si Winwyn na ninang ng anak nila ni Nicole.

"Walang ganun, Mars!" ikanga ni Aling Nena.

Kesa magmukmok sa kawalan ng manliligaw, nagpaka-busy si Winwyn sa pagsasanay bilang reservist ng Philippine Navy.

Ipinakita ni Winwyn sa Instagram post ang ilang pictures mula sa kanyang marksmanship training.

HOT STORIES

"Thankful sa drill instructors namin for imparting their knowledge and training us from 5 in the morning hanggang mag hapon, and non-stop sa pag-remind sa amin na safety is number one," saad sa caption ng beauty queen-actress.

Pinaalala naman ni Winwyn na hindi dapat ginagawang laruan ang mga baril dahil delikado ang mga ito.

Importante na magkaroon muna ng proper training sa gun safety.

Continue reading below ↓

"We are strongly discouraged from playing or toying with firearms because they are inherently dangerous.

"They must always be stored carefully and handled with care."

NOEL FERRER:

Maganda ang sinabi ng manager at nanay-nanayan ni Mark na si Nay Lolit Solis na itong baby ang magpapa-level up kay Mark, para lalo itong magseryoso sa career at buhay.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez, kinongratulate ang ex-boyfriend na si Mark Herras: "I’m happy for him. I’m happy for them na kahit paano, nag-settle down na siya with Nicole."
PHOTO/S: @teresitassen / @herrasmarkangeloofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results