Rigodon: Jake Cuenca "binawi" ng ABS-CBN; Maja Salvador, lilipat kaya sa GMA-7?

by PEP Troika
Feb 4, 2021
Kabilang sa mga lumipat ng network nitong mga nakaraang buwan sina (mula kanan) Jake Cuenca, Janine Gutierrez, Kris Bernal, Maja Salvador, at Piolo Pascual.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Maswerte ang mga Kapamilya na kinupkop ng Kapuso Network.

Kabilang sa mga ito sina Richard Yap, Royce Cabrera, Khalil Ramos, at Myrtle Sarrosa.

Inaasahan naming may mga susunod pa sa kanila sa mga susunod na araw.

Kumusta naman sina Kris Bernal at Janine Gutierrez, dalawang Kapuso na nag-ober da bakod?

Nag-guest muna si Kris sa defunct morning show na Chika, BESH bago tuluyang lumipat sa Kapatid Network.

Nagbida si Kris sa seryeng Ate Ng Ate Ko, kung saan co-stars sina Isabelle de Leon, Joem Bascon, at Jake Cuenca.

Kaso, “binawi” na ng ABS-CBN si Jake.

Tampok si Jake sa bagong Kapamilya series na Viral, kung saan makakasama niya sina Charlie Dizon, Dimples Romana, Ria Atayde, Louise Abuel, Vance Larena, Markus Paterson, at Jameson Blake.

Mapapanood din sina Jake, Ria, at Malou de Guzman sa episode ng Maalaala Mo Kaya sa Pebrero 6, Sabado ng 9:00 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, at A2Z Channel.

Continue reading below ↓

Opo! Nakaamba na ang tabak ni Damocles sa Ate ng Ate Ko, ika nga.

Si Janine, winelcome sa ASAP Natin ‘To noong Enero 24, Linggo. Excited na siya sa gagawing teleserye, pati na sa pelikula sa Star Cinema.

Inaasam ni Janine na makatrabaho sa ABS-CBN sina Paulo Avelino, JC Santos, Enchong Dee, Jericho Rosales, Carlo Aquino, Gerald Anderson, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Liza Soberano.

Magkatambal sina Janine at Paulo sa pelikulang Ngayon Kaya, na napiling entry sa 1st Summer MMFF last year. Naudlot ang filmfest dahil sa pandemya.

Nakapag-shoot din si Janine ng pelikulang Dito at Doon katambal si JC Santos.

GORGY RULA

Ang inaabangan naman ngayon ay kung totoo bang lilipat na sa GMA-7 si Maja Salvador.

Walang sagot diyan ang ilang taga-GMA 7 na tinanong ko. Wala raw silang alam.

Noong natapos kasi ang Sunday Noontime Live, kabilang sa narinig naming magkakaroon daw ng show sa TV5 ay si Maja. Baka raw bigyan ito ng drama series sa Kapatid network.

Continue reading below ↓

Si Piolo Pascual naman daw ay pinag-iisipang mag-produce ng sariling show para sa TV5. Wala pang katiyakan ang mga iyan.

Kinumpirma ng taga-Brightlight Productions na ibabalik ang Sunday Kada pero wala pang ibinigay na petsa kung kailan.

Wala pa ring tiyak na schedule ng taping, basta ibabalik. Kaya abang-abang na lang.

NOEL FERRER

Heto naman ang mga narinig ko tungkol sa rigodon ng mga artista...

Nakapag-tape na si Piolo Pascual para sa anthology na Dear God ng WeTV (dating iFlix) na ipalalabas din daw sa TV5.

Kahit hindi na sigurado si Dimples Romana sa Oh My Dad sa TV5 ay tuloy pa rin ang show with new members in the cast.

Gusto kong malaman kung ano na ang estado ng sinasabing programa ni Kris Aquino sa TV5, at kung ano na ang nangyari sa napabalitang game show ni Manila Mayor Isko Moreno sa Kapatid network.

Bakit kaya na-delay?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga lumipat ng network nitong mga nakaraang buwan sina (mula kanan) Jake Cuenca, Janine Gutierrez, Kris Bernal, Maja Salvador, at Piolo Pascual.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results