Liza Soberano, umalma sa poster ng pelikulang Tililing

by PEP Troika
Feb 8, 2021
liza soberano tililing
Nag-react ang aktres na si Liza Soberano (kaliwa) sa poster ng pelikulang Tililing (kanan) na tumatalakay sa issue ng mental health.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram / Viva Films

JERRY OLEA

Sleeper hit ng 2019 ang launching movie ni Kim Molina na #Jowable, sa direksiyon ni Darryl Yap. Umariba rin ito sa Netflix.

Ang pangalawang movie ni Direk Darryl na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ang naglunsad ng Vivamax nitong Enero 29, 2021.

Streaming service ang Vivamax, na may potensiyal na maging Pinoy version ng Netflix lalo pa’t agresibo ang Viva sa pagpoprodyus ng mga bagong content.

Ang pangatlong pelikula ni Direk Darryl ay ang Tililing, na sabi sa poster ay “another normal movie.”

Ang teaser 1 ng Tililing kung saan panay-panay ang pagmumura ni Gina Pareño ay naka-105K views na mula nang in-upload noong Marso 6, 2020 sa YouTube channel ng VinCentiments.

Ang teaser 2 na tampok si Baron Geisler ay halos 80K views na mula nang in-upload noong Marso 13, 2020 sa kaparehong YT channel.

Post ni Direk Darryl nitong Pebrero 7, Linggo ng gabi sa Facebook, “‘Lahat tayo ay may #Tililing’ “is something that escapes the comprehension of self-proclaimed mental health advocates who are making a fool out of themselves by throwing accusations at a film they haven't even seen yet.

Continue reading below ↓

“They are quick to judge: ‘wag tawaging baliw o may tililing, wag mag-label, etc.’ without prior knowledge of the subject at hand.

“I bet they'll feel ashamed of themselves for overreacting once it is revealed what the title is all about, why the poster shows the characters with their tongues sticking out.

“As evidenced by the rowdy ‘experts’ who would have us believe they know better, this film is a testimony that sometimes, those who aggressively push for reforms are the ones who further deform the system.

“And those who are supposed to take care of the ill, are the ones who make their days a living hell.

Tililing is coming in less than a month. download and experience this genre-bending film only at Vivamax”

Tweet ni Liza Soberano nitong Pebrero 8, Lunes ng umaga, kaugnay sa poster ng Tililing:

“Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health.

Continue reading below ↓

But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”

Maliban kina Gina at Baron, nasa cast din ng Tililing sina Chad Kinis, Donnalyn Bartolome, Candy Pangilinan, Yumi Lacsamana, Cai Cortez, Rez Cortez, at Liz Gonzaga.

NOEL FERRER

Ayan na, sasabihing achieved na naman ni Direk Darryl Yap ang napag-uusapan ang project dahil katulad ng sabi niya, tsina-challenge niya—or better yet—dini-disrupt niya ang common notion ng mga bagay-bagay para maging mas bukas ang isip ng mga tao sa mga gusto niyang sabihin.

Continue reading below ↓

Shock them so that when they are engaged, they will listen.

Mukhang hindi ito nagwo-work sa mga katulad ni Liza Soberano na umalma sa poster ng Tililing.

Obviously, hindi si Liza ang target audence ni Direk Darryl.

Paano kaya ang mga sektor na tumutugon sa mental health issues?

Hindi kaya ito ang ingay na gustong ma-achieve ng project na ito? Para kasing... if it’s from Daryl Yap, it has to be sensational, controversial?

GORGY RULA

Poster pa lang ito na pwedeng makakuha ng iba’t ibang interpretasyon.

Kung na-offend si Liza sa design ng poster, sa akin naman ay okay lang.

Depende ito sa pelikula, na base sa hanash ni Direk Darryl Yap, parang malalim ito na baka dalirutin ang isyu ng mental health.

Pero sa panahon ngayon, kailangan ba nating mapanood ang ganitong klaseng pelikula?

Lalo tayong naghihirap. Nakakapraning na! Nakakatililing na!

Kung ang iba ay nakakapag-post ng masasarap na pagkain sa kanilang social media account, sana ay aware din sila kung magkano na ang kilo ng karne ng baboy, baka, at manok sa palengke. Idagdag pa rito ang mga gulay.

Continue reading below ↓

Ngayong araw lang ay nagkaroon ng pork holiday sa ibang palengke.

Ang mga tindahan ng baboy at manok sa ilang palengke ng Caloocan at Valenzuela ay pansamantala munang nagsara dahil sa napakamahal ng presyo nito.

Kaya kung wala kang trabaho, at paubos na ang naiipon mo, magkakatililing ka talaga sa kaiisip kung paano mo makumpleto ang tatlong meals sa isang araw sa sobrang mahal ng mga bilihin.

Huwag nating pansinin ang poster. Ang isipin natin ay kung may makakain pa ba sa susunod na araw ang karamihang nawalan ng trabaho at ang lahat na naapektuhan ng pandemyang ito?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-react ang aktres na si Liza Soberano (kaliwa) sa poster ng pelikulang Tililing (kanan) na tumatalakay sa issue ng mental health.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results