Kapuso shows na tampok si Ez Mil, tumaas ang ratings; ASAP Natin 'To, mas mataas sa A2Z kumpara sa TV5

by PEP Troika
Feb 9, 2021
Rapper Ez Mil (left) was featured in the February 7 episode of Kapuso Mo Jessica Soho; Concert King Martin Nievera (right) celebrated his birthday on the 26th anniversary of ASAP Natin 'To.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

GORGY RULA

Mukhang inabangan ng fans ni Ez Mil ang guesting niya sa All-Out Sundays (AOS) noong nakaraang Linggo, February 7, pero hindi ito natuloy dahil nagkasakit pala siya.

Hindi siya nakapag-record ng number niya para sa AOS. Pero maganda ang kinalabasan ng dance number ng "Panalo" ni Ez Mil na ginawa nina Alden Richards.

Tumaas ang rating ng AOS ng GMA-7 na naka-5.5%, ayon sa AGB Nielsen.

Samantala, mas marami ang nanood ng ASAP sa A2Z dahil naka-1.6% ito, samantalang 1.2% lamang ang nakuha nito sa TV5.

Tumaas din ang mga sumunod na programa.

Naka-5.2% ang Wagas (GMA-7), habang ang ang katapat nitong FPJ Da King sa A2Z ay naka-1.9%, at 1.6% naman sa TV5.

Ang Dear Uge (GMA-7) ay naka-4.5%.

Posibleng sinundan din ang feaure ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Ez Mil noong nakaraang Linggo dahil tumaas din ito. Naka-21.5% ito.

Samantala, 15.6% ang nakuha ng “Masahista For Hire” episode ni Royce Cabrera sa Magpakailanman noong Sabado, February 6.

Continue reading below ↓

Bahagyang bumaba ang nasabing fresh episode kumpara sa nakaraang episode ng Magpakailanman na naka-16.7% kahit replay. Ang Maalaala Mo Kaya naman sa A2Z ay 2.6%.

NOEL FERRER

Tumutok ako sa ASAP Natin 'To noong Linggo dahil 26th anniversary celebration nila, at talaga namang pinaghandaan ang numbers.

Halos lahat ng naging ASAP hosts ay bumati kay Martin Nievera, na siya na lang natitirang original host sa ngayon.

Even Pops Fernandez, na GMA talent (in Centerstage), ay nagpaabot ng kanyang pagbati.

Martin Nievera in ASAP Natin To anniversary

Continue reading below ↓

Maganda ang number ng The Company with Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, at Lea Salonga na pulido at ayos na ayos ang bosesan.

Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Lea Salonga song number in ASAP Natin To anniversary special

Sana, we can say that of AOS na kailangang ingatan at more practice pa sa ibang mang-aawit, di ba, Tito Gorgy?

At ano itong naniningil ang komedyanteng si Ate Gay, Gil Morales sa totoong buhay, ng talent fee ng dalawang guestings sa AOS, isang guesting sa YouLol, at isang guesting sa Kapuso Mo, Jessica Soho?

Continue reading below ↓

Naghimutok si Ate Gay sa Twitter nitong Pebrero 9, Martes ng hapon.

Mukhang effective dahil nakasingil si Ate Gay ura-urada from Kapuso Mo Jessica Soho via GCash. Will AOS and YouLol follow suit?

Continue reading below ↓

Hayyy, ganito na ba ang kalakaran ngayon?

JERRY OLEA

Halos 30M views na ang “Ez Mil performs ‘Panalo’ LIVE on the Wish USA Bus” na in-upload noong Enero 29, 2021 sa YouTube channel ng Wish 1075.

Bahagi ng description sa video, “The catchy R&B beat expresses the singer’s take on Filipino nationalism.”

Kontrobersyal ang "Panalo" dahil sinadya ni Ez Mil na maliin ang lyrics, “Pinugutan si Lapu sa Mactan...”

Pumalag ang mayor ng Lapu-Lapu City na si Mayor Junard “Ahon” Chan, kaya inirerekomenda niya sa City Council na maglabas ng resolusyon kung saan kinokondena ang liriko na nagbanggit kay Datu Lapu-Lapu.

Panalo ang production number ng All-Out Sundays na tampok ang hit song ni Ez Mil, at inaasam nating sa Linggo ay matutuloy na ang guesting doon ng rapper.

Panalo ang feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Ez Mil, at inaasahan nating lalong lalaganap ang kasikatan ni Ez Mil at ng kanyang awit ngayong 2021—ika-500 taon ng pagdating sa ating bansa ng Portuguese explorer na si Fernao de Magalhaes (Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan sa English).

Continue reading below ↓

Panalo rin ang paniningil ni Ate Gay sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sana, pati sa YouLol at All-Out Sundays... ASAP (as soon as possible)!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rapper Ez Mil (left) was featured in the February 7 episode of Kapuso Mo Jessica Soho; Concert King Martin Nievera (right) celebrated his birthday on the 26th anniversary of ASAP Natin 'To.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results