JC Alcantara, naiyak sa premiere night ng Hello Stranger The Movie

by PEP Troika
Feb 12, 2021
Walang pasidlan ang saya ni JC Alcantara (right) matapos mapanood ang kauna-unahan niyang digital film na Hello Stranger The Movie. Bida rito ang tambalan nila ni Tony Labrusca (left) na XavMi.
PHOTO/S: Screengrab from Hello Stranger The Movie trailer

JERRY OLEA

Napaiyak si JC Alcantara matapos ang digital premiere ng Hello Stranger The Movie nitong Pebrero 11, Huwebes ng gabi.

Nag-streaming ang BL movie nila ni Tony Labrusca sa KTX.

Nanood sina Tony, JC, Direk Dwein Baltazar, iba pang artista, at taga-produksyon sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Quezon City.

"Naiyak ako. Ito ang pangarap ko. Nakamit ko na," napayukong sambit ni JC habang pinapahid ang kanyang luha.

Chillax naman si Tony.

Sabi ni Tony, "I’m so happy. Congrats to the beautiful cast!"

Ibinuhos daw nila ang kanilang puso at kaluluwa sa proyektong ito.

Delayed ang pakiusap ni Direk Dwein na huwag picture-an at video-han ang movie para huwag ma-spoil ang panonood ng XavMi fans worldwide umpisa Pebrero 12, Biyernes, sa KTX.

XavMi ang uniname nina Xavier at Mico—ang characters na ginampanan nina Tony at JC, respectively.

Dapat, nakiusap si Direk Dwein na huwag i-post ang mga eksena, lalo na sa ending kung saan nag-party ang participants ng PanitiCamp.

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay nag-exchange gift sina Tony at JC. Alak ang regalo nila sa isa’t isa.

"Promise! Hindi po kami lasenggero!" natatawang bulalas ni Tony.

jc alcantara, tony labrusca with Hello Stranger team in the movie premier

Siguradong masa-satisfy ang XavMi fans sa Hello Stranger The Movie.

Nakakaaliw iyong video session kung saan nag-duet sina Mico at Simon (Markus Paterson) ng "Dahil Sa ‘Yo" ni Iñigo Pascual, at kapagkuwan ay bumanat si Tony ng "Kung Akin Ang Mundo" ni Erik Santos.

Continue reading below ↓

Sina Vivoree at Patrick Quiroz ang nag-hello sponsor sa Lucky Me pancit canton at Bingo.

Ang ganda ng make-up ni Miguel Almendras bilang impersonator na si Amapola, ang bida sa nobela ni Ricky Lee na Si Amapola sa 65 na Kabanata (2011).

Nagpugay ang karakter ni Simon de la Cruz (Alexander Markova ang pseudonym) sa Ladlad: An Anthology of Philippine Gay Writing (1996) na in-edit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia.

Bakit kaya si Danton lang ang binanggit?

Syanga pala, si Walterina Markova (William Dempster Jr. sa totoong buhay) ang subject ng biopic na Markova: Comfort Gay (2000), kung saan gumanap sa kanyang katauhan sina Epy Quizon, Eric Quizon at Dolphy.

jc alcantara and tony labrusca in Hello Stranger The Movie

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Promising nga si JC na isa sa mga bida sa bagong seryeng Love on the Move na mapapanood sa TV5.

Nagtataka lang kami, bakit nauudlot pa rin ang launching ng programa? Totoo bang hirap pang makakuha ng commercial load?

Kung hindi ako nagkamali, ito dapat ang ipapalit sa I Got You. Isa si JC sa mga stars ng Rise Artists Studio.

NOEL FERRER

Tito Jerry, kung nabanggit man si Danton Remoto sa dialogue, nahagip naman sa camera ang picture ni Neil Garcia sa pagse-set up ng PanitiCamp.

Mahusay ang film version ni Dwein Baltazar. Post pandemic na ang scenario nito. (Sana, ganyan na rin sa totoong buhay.)

JC was good in the series; but here in the movie, mas nasundan at napalalim ang character ni Tony.

Pero baka kaya nag-hold back si Tony sa huling eksena na dapat ay bigay na bigay na sila pareho?

Oh well, maganda ring banggitin ang blurb na ginamit kanina na ito ang biggest opening weekend for a film on KTX on an early bird ticket sales alone.

Continue reading below ↓

Ibig bang sabihin, nahigitan nito ang kinita ng January 30, 2021 digital premiere ng Anak Ng Macho Dancer na PHP690 ang tiket?

If ever, sana totoo na may pananabik na sa mga bagong materyal at pelikula ang ating mga manonood!

HOT STORIES

The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang pasidlan ang saya ni JC Alcantara (right) matapos mapanood ang kauna-unahan niyang digital film na Hello Stranger The Movie. Bida rito ang tambalan nila ni Tony Labrusca (left) na XavMi.
PHOTO/S: Screengrab from Hello Stranger The Movie trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results