GORGY RULA
Isa ako sa naintriga sa ipinost ng line producer na si Dennis Evangelista sa kanyang Facebook account noong Pebrero 13, Sabado.
Kasama niya sa litrato si Sharon Dacera, ang ina ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera.
Isasapelikula na nga kaya ang kuwento ng buhay ni Christine Dacera?
“Wala pa. Wala pa talaga,” mabilis na sagot sa amin ni Dennis nang tinanong ko siya tungkol dito.
Unang pag-uusap pa lang daw nila iyon kung papayag ba si Ginang Sharon na isapelikula ang kuwento ng buhay ng kanyang anak.
Kung magkasundo man, hindi raw dadalirutin ang nangyari noong nakaraang New Year’s Eve, kung paano namatay si Christine.
Maaring parang docu-drama ito, pero wala pa raw talagang na-finalize.
Meron lang daw isang independent producer ang interesadong isapelikula ang kuwento ni Christine, pero hindi raw ganun kadali.
Kinausap pa lang daw nila si Mrs. Dacera at marami pa raw kakausapin at iku-consider.
Sakaling matutuloy man, sino ba ang napipisil nilang gaganap?
May ilang pangalang sina-suggest pero mas marami palang kilala si Ginang Sharon na Kapuso stars.
Siguro, mga programa sa Kapuso network ang mas pinapanood niya kaya marami siyang nakilalang artista roon.
Gustung-gusto raw ng ina ni Christine si Bianca Umali, pero saka na raw nila sasagutin ang ilan pang mga tanong namin sakaling nagkakasundo nang isapelikula ito.
Kung sakali, sino kaya ang tingin nyong bagay gumanap bilang si Christine Dacera?
NOEL FERRER
Hindi ko alam kung paanong mag-react sa item na ito dahil siguro umaasa ako na sana, ma-resolve na muna ang kaso ni Christine at matahimik na muna ang lahat.
The film is ok if it sheds light on the issue, pero kung mag-o-open pa ito ng iba pang issue at dagdag pang emosyon, hindi ko alam kung makakabuti ito.
This bring us back to the time of Carlo J. Caparas with his true-to-life and massacre films.
If ever this film pushes through, ano kaya ang matututunan natin dito?
JERRY OLEA
Edad 23 si Christine nang pumanaw noong Enero 1, 2021. Siyempre, Kapuso stars ang makabubuting ikonsidera na gumanap sa kanyang biopic para mas mai-promote sa TV.
Maliban kay Bianca Umali, swak diyan sina Julie Anne San Jose, Mikee Quintos, Sanya Lopez, Jasmine Curtis-Smith, Kate Valdez, Liezel Lopez, Klea Pineda, Shaira Diaz, Kyline Alcantara, Winwyn Marquez, at Rhian Ramos.
Kahit wala na sa kalendaryo ang edad nina Lovi Poe, Glaiza de Castro, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Marian Rivera, at Carla Abellana ay puwede pa rin silang gumanap na Christine, di ba?