Chad Kinis, may buwelta sa mga humuhusga sa poster ng Tililing kahit di pa naipapalabas ang pelikula

by PEP Troika
Feb 9, 2021
Chad Kinis: "Kami po kasama ang mga artista na nasa pelikulang TILILING ni Darryl Yap ay hindi tatanggap ng isang proyekto na alam naming ikakasira ng mga taong nagdadaan sa MENTAL ILLNESS. Ako po mismo ay dumaan na din dati sa depression."
PHOTO/S: PEP File / @chadkinis on Instagram

JERRY OLEA

“may sayad, may sapak, may saltik, may topak, may tama, may pitik “lahat tayo ay baliw, sira-ulo at praning “lahat tayo ay may TILILING.”

Pasakalye iyan ng VinCentiments page sa isang Facebook post kaugnay sa promo ng Viva movie nina Baron Geisler, Gina Pareño, at Chad Kinis, sa direksiyon ni Darryl Yap.

Nakakaaliw, nakakabaliw... nakakapraning, nakakalukring ang mga kuda at hanash sa poster ng nasabing pelikula.

Naunang nag-tweet si Liza Soberano nitong Pebrero 8, Lunes ng umaga, at sandamukal ang nakisakay, nakisawsaw.

Belat, nakadilat... labas-dila ang mga bida ng pelikula sa storycon pa lang noong Oktubre 2019.

Sumagot agad kay Liza ang Direk Darryl noong Lunes ng umaga, maging si Baron ay nagpahayag ng kanyang damdamin at saloobin.

Heto naman ang aria ni Chad nitong Pebrero 9, Martes ng hapon, sa Facebook:

“Sinasabi niyo na MENTAL ILLNESS IS NOT a joke and yes I strongly agree. Pero hinusgahan niyo agad ang pelikulang TILILING dahil sa poster pa lamang. Dahil ang tingin niyo dyan ay JOKE.

Continue reading below ↓

“Well, we are not joking sa poster na yan. Nasa inyong pag iisip at interpretation ang problema dahil kayo mismo ang nagsasabi na joke at katawatawa ang poster namin.

“Yung iba ang hilig magsabi na MENTAL ILLNESS is not a joke pero mismo sila din ang mahilig magsabi sa ibang tao na ‘nababaliw ka na ata,’ ‘hala nasiraan na,’ ‘nawalan na ng bait’ at iba pa.

“You won't see the poster funny or even a joke if you really care for those who are suffering from mental illness because you look at them as equals.

“You watched JOKER and yet you are ok with it. A person with mental illness dressed as a clown and doing random violence to terrorize Gotham city. Some even dresses up as him.

You are a fan of Suicide squad specially Harley Quinn who is also suffering from mental illness. But you judged the poster [of Tililing] as if you already know the entirety of the film.

Continue reading below ↓

“Kami po kasama ang mga artista na nasa pelikulang TILILING ni Darryl Yap ay hindi tatanggap ng isang proyekto na alam naming ikakasira ng mga taong nagdadaan sa MENTAL ILLNESS. Ako po mismo ay dumaan na din dati sa depression.

“Ganun din ang iba kong kasamahan ay may pinagdaanan o pinagdadaanan na may kaugnay sa MENTAL HEALTH. Pero we accepted to do this film because we strongly believe in the message that it will convey.

“Isa lang po ang dapat matigil na MENTALIDAD dito sa ating banda ang JUDGEMENTALITY. Yung mga JUDGEMENTAL people ang nagpapalala ng mga situation by getting offended with something they don't truly understand or not even related to something.

“Before you criticize a film and be offended make sure to see the whole thing. Haven't you learned anything from the cliche? DON'T JUDGE A BOOK BY ITS COVER.

“You want awareness. This is a film that you should see. Try to shut your mouths first and try to open your minds while watching the movie then analyze everything. Weigh them.

Continue reading below ↓

“Then you'll understand the true message of DARRYL YAP's masterpiece. #TILILING”

Disappointed ba si Chad sa tweet ni Liza Soberano kaugnay sa poster ng kanilang movie?

“That post is for everyone,” paglilinaw ni Chad via Messenger.

NOEL FERRER

Heto’t pinag-uusapan ang pelikula. Achieve!!!

Familiar line na ang, “Panoorin muna bago manghusga!”

Ganun na nga yun! Kaya ingat... at pwedeng magamit pa sa publicity.

Oh well, good luck sa lahat ng mga maglalabas ng pelikula, malaking challenge ito ngayon... lalo na online!

GORGY RULA

Mahabang usapin ang isyu ng mental health at magagamit nga ito sa promo ng pelikula. Isa na rito ay si Candy Pangilinan na bahagi rin sa cast.

Nakakatuwa ang vlog ni Candy kung saan ibinabahagi niya ang activities nila sa bahay, kasama ang pag-aalaga sa kanyang anak na si Quentin na isang special child.

Nakapagbibigay siya ng tips kung ano ang tamang pagtrato sa isang anak na special child. Parang isang normal na bata lang ang dapat pagtrato sa kanila.

Continue reading below ↓

Sa isang vlog ni Candy ay lagi niyang inuutusan si Quentin dahil hindi siya makalakad.

Nadulas kasi si Candy sa banyo at napilay siya. Kaya ang ginawa niya, lagi niyang inuutusan ang anak, na sinusunod naman ni Quentin.

Nakakatuwa dahil may natututunan ka sa vlog na iyon ni Candy.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chad Kinis: "Kami po kasama ang mga artista na nasa pelikulang TILILING ni Darryl Yap ay hindi tatanggap ng isang proyekto na alam naming ikakasira ng mga taong nagdadaan sa MENTAL ILLNESS. Ako po mismo ay dumaan na din dati sa depression."
PHOTO/S: PEP File / @chadkinis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results