Sharon Cuneta, may alam ba tungkol sa real score nina KC Concepcion at apl.de. ap?

by PEP Troika
Feb 16, 2021
Sharon Cuneta, umiwas na magbigay ng direktang pahayag tungkol sa patuloy na espekulasyon sa tunay ng estado ng relasyon ng anak niyang si KC Concepcion at ng rapper na si Apl.de.Ap.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @migotilyomanila / @apl.de.ap Instagram

NOEL FERRER

"Ang sabi sa amin ni KC, "We’re very good friends. Hindi naman ako nag-usisa pa, basta kahit sino pa, basta mahal niya at mahal siya."

Ito ang pahayag ni Megastar Sharon Cuneta ukol sa balitang nagkakamabutihan ang anak niyang si KC Concepcion at si Apl.de.Ap.

Si Apl.de.Ap, aka Alan Pineda Lindo, ay ang Filipino-American singer/rapper/record producer na kilalang miyembro ng American hip-hop group na Black Eyed Peas.

Coach din si apl.de.ap sa reality franchise show ng ABS-CBN na The Voice.

Sobrang napaka-open at spontaneous at saya ng interview ni Sharon sa Cristy Ferminute ni Nanay Cristy Fermin sa 92.3FM Radyo Singko.

Nagkaroon pa ng Part 2 na puno ng kuwento mula pa noong pagkabata niya at testimonial ng mga tagahanga ni Shawie.

Mismong si Nay Cristy ang nagsabi ng hindi natin nabalitaang pagbigay ni Mega ng malaking halaga kay April Boy Regino nang magkasakit at mamatay ito.

Magiging busy na si Sharon sa parating na Your Face Sounds Familiar, ang reality franchise show ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Abala rin siya sa mga gagawin niyang mga pelikula at endorsements.

Nakaka-miss talaga si Sharon.

JERRY OLEA

Movie queen ang Megastar.

Hindi matatawaran ang naiambag niya sa industriya ng pelikula, telebisyon, at musika.

Batid din natin ang pagiging generous niya, nababalita man iyon o hindi.

Noong isang araw lang ay nag-post si Sharon sa Facebook, "Konting tulong para sa mga Kababayan natin sa Porac, Pampanga.

"Sabi ko kay Kiko, dapat nilalabas niya ang mga ginagawa nyang pagtulong, kasi laging patago!

"Di yung puro pang-file lang para makita ng mga apo namin pagdating ng araw! Di tuloy alam ng tao.

"Pati pagtulong nila ni Kakie at pagpunta sa mga Kababayan natin nung sumabog ang Taal, wala yatang nakaalam.

"At marami pang ibang nagawang walang nakakaalam. Di kasi kami gano’n talaga.

"Pero sa mga panahong ganito, baka maka-inspire sa ibang Kababayan nating tumulong din kahit paano.

"God bless us all! Lots of love sa inyong lahat."

Continue reading below ↓

We love you, Mega!

GORGY RULA

Mahigit isang taon na yata nating napag-uusapan ang tungkol kina KC Concepcion at Apl.de.Ap, na ikinagulat pa ito ni Sharon noon.

Pero wala pa ring nangyaring aminan, kahit napabalitang magkasama nilang sinalubong ang Bagong Taon sa Palawan.

Nasa tamang edad na si KC at hinihintay ng balana kung kailan na siya mag-aasawa.

Pero sa tingin namin, parang marami pang gustong patunayan si KC.

Sana, makapagbida pa siya sa isang teleserye na wala pa tayong ideya kung saan.

Napag-uusapan na rin kasi noon pa na merong negotiation sa GMA-7, pero wala na kaming nabalitaan kung tuloy ito o hindi.

Samantala, nakakatuwa ngayon si Sharon dahil ang ganda ng pagpayat niya.

Mukhang pinaghandaan ni Mega ang pagbabalik-telebisyon niya sa Your Face Sounds Familiar.

Huling TV show ni Sharon sa ABS-CBN ay Your Face Sounds Familiar Kids edition noong 2017.

Ang huling pelikulang pinagbidahan niya ay ang horror film na Kuwaresma noong 2019.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta, umiwas na magbigay ng direktang pahayag tungkol sa patuloy na espekulasyon sa tunay ng estado ng relasyon ng anak niyang si KC Concepcion at ng rapper na si Apl.de.Ap.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @migotilyomanila / @apl.de.ap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results