GORGY RULA
Naging topic of the day sa Department of Health (DOH) ang inilabas na kuwento ng Cabinet Files tungkol sa pagpapabakuna ni Mark Anthony Fernandez sa Parañaque.
Lumabas pa sa isang Facebook account ang kuha ng aktor na binabakunahan at may hawak pa siyang certificate na "I Got Mine!" dahil sa ibinakunang AstraZeneca.
Ang bilis kumalat ng kuwentong ito na kaagad na ipinarating sa DOH. Kaya pinaimbestigahan ito sa Parañaque na siyang nangasiwa ng vaccination na yun.
At press time, wala pang opisyal na statement ang DOH kaugnay rito.
Pero ang latest na nasagap ng PEP Troika, nakikipag-ugnayan na ang LGU ng Parañaque sa DILG at DOH kung ano ang pwedeng gawin sa mga nag-breach ng protocols.
Bago kasi ito nakarating sa DOH ay katatapos lang nilang magpa-presscon, kaya hindi na ito natalakay.
Naging malaking isyu rin kasi ang pagpapabakuna ng dalawang alkalde na dapat ay frontliners muna ang mauuna. Ngayon ay nasundan ito ng celebrity na si Mark Anthony Fernandez.
Bukod sa dalawang government officials na naunang nabakunahan, si Mark Anthony ang kauna-unahang napabalitang celebrity, at hindi healthcare worker, na nabakunahan na.
Kaya inaabangan kung ano ang desisyon ng DOH at DILG kaugnay rito.
Ayon sa ilang sources ng PEP Troika, ang rason daw nila kung bakit nabakunahan na ng AtraZeneca ang aktor ay dahil nasa quick substitution list daw ito.
Ang nasa listahang ito ay maaring mabakunahan kapag hindi sumipot o hindi pumuwede ang isang frontliner na nakatakdahang bakunahan.
Bukod pa riyan, merong comorbidities (depression) daw si Mark Anthony kaya nasa priority list din siya.
Napag-alaman ding 90 percent to 95 percent na raw ng mga frontliners sa Parañaque ang nabakunahan na.
Inaabangan na lang ang opisyal na pahayag ng DOH tungkol dito at kung ano ang desisyon ng DILG dahil posibleng makasuhan ang mga nangasiwa ng bakuna at maaaring madadamay si Mark Anthony.
Sinubukan naming tawagan at i-text si Mark Anthony, pero hindi ito sumasagot. Ganun din ang kanyang inang si Alma Moreno.
NOEL FERRER
Napanood ko ang explanation ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez tungkol sa issue sa pa panayam sa kanya ng DZMM.
Legal at nasa hierarchy raw si Mark dahil may comorbidity siya.
Pero ang tanong ng DZMM anchor na si Rica Lazo, marami pang ibang senior citizen at mas nangangailangan kesa kay Mark—na nang ma-interview siya ay nagsabing he’s well and healthy.
Iba talaga ang legal, pero may kuwestiyon ang mga tao kung ethical.
At heto na nga, nabigyan na at naisingit na si Mark, mas marapat bang dapat nanahimik na lang siya at hindi na sinocial media pa?
JERRY OLEA
Ang priority list ng mga dapat mabakunahan...
A1: Frontline workers in health facilities both national and local, private and public, health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc.
A2: Senior citizens aged 60 years old and above
A3: Persons with comorbidities not otherwise included in the preceding categories
A4: Frontline personnel in essential sectors including uniformed personnel and those in working sectors identified by the IATF as essential during ECQ
A5: Indigent population not otherwise included in the preceding categories
B1: Teachers, social workers
B2: Other government workers
B3: Other essential workers
B4: Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and indigent people
B5: Overseas Filipino Workers
B6: Other remaining workforce
C: Rest of the Filipino population not otherwise included in the above groups
Pasok si Mark Anthony sa A3. Kung nanahimik na lang sana siya at walang socmed post sa pagpapabakuna...
