Ruru Madrid predicts Lolong will be "biggest action adventure" series of GMA-7

by PEP Troika
Apr 8, 2021
Sobrang excited na si Ruru Madrid na simulan ang upcoming Kapuso prime-time series na Lolong kasama ang leading lady niya na si Shaira Diaz. Kakatapos lang ng pinagtambalan nilang one-week anthology sa I Can See You (right photo).
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram / I Can See You

GORGY RULA:

Dahil sa na-extend ang ECQ sa atin, naantala na naman ang pagsisimula ng bagong drama series ni Ruru Madrid na Lolong kasama si Shaira Diaz.

Dapat ay naka-schedule na raw uli ang taping pagkatapos ng Semana Santa, pero hindi na naman ito natuloy at baka bandang Mayo pa raw sila magsisimula.

May directive kasing wala munang may magti-taping ngayong April, gawa ng pagtuloy na pagtaas ng kaso ng COVD-19.

“I think by May, hopefully, matuloy na po talaga. Kasi, dapat maihabol na po this year ang airing, e. Kailangan maihabol daw po, e,” pakli ni Ruru nang nakausap namin sa telepono umaga ng April 8.

Tapos na rin daw ang training nila ng action scenes.

“Nakapag-train na po ako, pero meron pa pong underwater training.

"Nabasa ko po ang script, ang ganda po, e. I think, hindi lang po sa mga bata kundi pati sa mga lolo at lola, e. Ganun po kalawak,” dagdag na kuwento sa amin ni Ruru.

Continue reading below ↓

Ruru Madrid, Shaira Diaz in I Can See You: On My Way To You

Maselan ang temang tatalakayin ng Lolong, pero tinitiyak daw nilang ma-handle ito nang mabuti at hindi mahaluan ng pulitika.

“I think it’s gonna be the biggest action adventure ng GMA. Nakakatuwa rin po dahil this will be my third consecutive show under GMA Public Affairs.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwa na sila po uli ang nakakatrabaho ko dahil nga complete trust ang ibinibigay ko sa kanila,” sabi pa ng Kapuso hunk.

Ruru Madrid and Shaira Diaz in I Can See You

Thankful lang si Ruru dahil kahit natengga siya ng ilang linggo gawa ng pagka-hold ng taping ng Lolong, may dumating daw na dagdag na blessing dahil napasama na siya sa mga bagong brand ambassadors ng Beautederm.

Continue reading below ↓

Nakakatuwa raw ang mainit na pagtanggap sa kanya ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, ang CEO ng Beautederm at napabilang na siya sa malaking pamilya ng endorsers ng naturang produkto.

Ie-endorse daw niya ang Spruce and Dash collection ng naturang produkto na ginagamit na raw niya noon.

Dahil sa hindi natuloy ang taping niya sa Lolong, nagkaroon siya ng schedule para sa pictorial ng Beautederm at may panahon pa siyang ma-promote ito.

Ruru Madrid with Rhea Tan

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

At least, when you are able to track iyung social media posts ni Ruru ay makikita mong busy rin naman siya.

Just as busy as his loved one na si Bianca na tinatapos ang HBO project na Halfworlds.

Kitang-kita rin ang pagwo-work out ni Ruru para mapalakas ang kanyang pangangatawan.

Buti na lang at nakawala din siya sa COVID-19 scare recently sa awa ng Diyos.

JERRY OLEA:

Last year pa natin nabalitaan ang pagsasanay nina Ruru at Shaira para sa mga maaksyong eksena ng Lolong.

Noong Pebrero ay naulinigan natin na nagkakaproblema ang produksyon.

Siyempre, madugo ang special effects sa Lolong, kaya mahirap kunan ang ibang eksena kung umaariba pa rin ang coronavirus.

Nag-guest na muna ang tambalang ShaiRu sa The Lost Recipe ng GTV, at itinampok sa unang installment ng second season ng I Can See You anthology na “On My Way To You.”

Huwag sanang ipilit ng GMA Public Affairs ang Lolong kung hindi sapat ang safety precautions para gawin ito.

Continue reading below ↓

Higit sa kung ano pa man, nararapat isaalang-alang ang kaligtasan ng mga tao. Iyan ang kabuluhan ng tunay na Kapuso!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang excited na si Ruru Madrid na simulan ang upcoming Kapuso prime-time series na Lolong kasama ang leading lady niya na si Shaira Diaz. Kakatapos lang ng pinagtambalan nilang one-week anthology sa I Can See You (right photo).
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram / I Can See You
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results