PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derek Ramsay on living with Ellen Adarna and her son Elias

Derek Ramsay: "Wala naman kaming problema ni John Lloyd."
by PEP Troika
Published Apr 19, 2021
Derek Ramsay, inilahad ang pagkikita nila ni John Lloyd Cruz na dating nobyo ni Ellen Adarna: "Kinungratuleyt nga kami ni John Lloyd... Sinusundo niya si Elias pag time ni Elias sa kanya."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / John Lloyd Cruz Facebook Fan Page

GORGY RULA

Isa kaya sa dahilan kung bakit hindi na matutuloy si Derek Ramsay sa gagawin niyang drama series sa GMA-7 ay dahil sa pinaghahandaan na ang kasal nila ni Ellen Adarna?

Nakapanayam si Derek ni Morly Alinio sa DZRH noong Abril 18, Linggo ng gabi, at sinabi ng aktor na mag-a-apply na sila ng marriage license.

Hindi lang ibinigay ng Kapuso actor ang buong detalye ng wedding plans pero pinaghahandaan na raw nila ito.

"Ang dami naming oras dito, nagpaplano na kami. Kumuha na nga kami ng application for marriage license. Slowly, pinaplano na namin," pakli ni Derek.

Inamin din ni Derek na sa bahay na niya nakatira si Ellen kasama ang anak nitong si Elias at masaya raw sila ngayong nagsasama sa iisang bubong.

Bukod sa magkasama sila sa bahay, may trabaho pa rin daw si Ellen sa TV5 sitcom na pinagbibidahan ng aktres at ni John Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dito nakatira si Ellen. She’s staying here now. Kasi, dapat mag-umpisa na sila ng taping, hindi na siya punta ng Cebu.

"Pero dito muna siya habang hinihintay ang show nila ni John, magla-lock-in din sila, e. Oo, dito na siya," sagot ni Derek sa tanong ni Morly kung nagli-live in na ba sila ni Ellen.

Pagdating kay Elias ay okay naman daw ang set-up nina Ellen at John Lloyd Cruz dahil may sapat na oras daw si Lloydie para sa anak.

Si John Lloyd daw mismo ang sumusundo sa bata, at minsan ay nagkita raw sila at nagkausap.

"Nagkita nga kami ni John Lloyd one time. Kinungratuleyt nga kami ni John Lloyd.

"So, very active naman siya. Siya nga ang pumupunta dito. Sinusundo niya si Elias pag time ni Elias sa kanya. Siya rin minsan naghahatid sa kanya.

"So, wala naman kaming problema ni John Lloyd," saad ng Kapuso actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Minsan nga ay napaaga raw ng dating si John Lloyd sa bahay niya at tamang-tama, gising naman siya kaya lumabas siya para harapin ang aktor.

"Timing, e. Maaga siya sumundo, gising na ako. Nakita ko siya sa labas.

"Lumabas naman ako para bumati din. Bati siya, sabi niya, 'Congratulations,'" kuwento pa ni Derek.

Kaya okay raw sila ni John Lloyd at walang isyu.

Wala raw silang problema dahil nagkakasundo sina Ellen at John Lloyd sa co-parenting nilang dalawa para sa anak nilang si Elias.

Noong April 14, una nang inihayag ni Ellen na "present father" si John Lloyd sa anak nilang si Elias.

Sinabi rin noon ni Ellen na hatid-sundo ni John Lloyd ang anak nila.

JERRY OLEA

Sabi ni Derek, noong una ay wala sa plano nila ni Ellen ang kasal.

Napapag-usapan lang daw nila sa isa nilang conversations at basta na lang pumasok sa usapan ang kasal.

Kaya nag-propose na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako rin naman, e... Kayo naman, pag nagbanggit kayo ng kasal, sabi ko, ‘Oo, one day, pero ayoko talagang pag-usapan.’

"Tapos heto, magkasama kami, nagkakilala kami, parang yun ang pumasok sa utak namin.

"Talagang nag-uusap lang kami. Mahilig kami magkuwentuhan, tapos lumabas na lang yung pagpapakasal.

"Tapos, pareho kaming, ‘Ha? Bakit natin napapag-usapan ‘to, e, pareho naman tayong uncomfortable with that framework—yung marriage?’

"Tapos ayun, nasabi ko sa kanya, and then she told me that she sees a future with me. So, ayun na.

"Walang convincing, walang ano, talagang naramdaman namin."

Maligaya tayo para sa DeLen, at kinikilig tayo sa moment nila ng “to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part...”

Best wishes!

NOEL FERRER

We are happy for DeLen (Derek and Ellen) sa kanilang napipintong kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Happy rin tayo sa magandang parenting arrangement nina Ellen at Lloydie para kay Elias.

Ang hindi ko alam, okay lang ba sa GMA-7 na tumanggi o ipinagpaliban muna ni Derek ang kanyang teleserye sa kanila? Will they continue with the soap?

Sino ang ipapalit kay Derek sa TV series na To Have and To Hold na pagbibidahan nina Carla Abellana at Max Collins? Aabangan natin ang mangyayari rito!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay, inilahad ang pagkikita nila ni John Lloyd Cruz na dating nobyo ni Ellen Adarna: "Kinungratuleyt nga kami ni John Lloyd... Sinusundo niya si Elias pag time ni Elias sa kanya."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / John Lloyd Cruz Facebook Fan Page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results