Ellen Adarna says John Lloyd Cruz "present father" to their son Elias

by Rachelle Siazon
Apr 15, 2021
Ellen Adarna on John Lloyd Cruz meeting up with their son Elias on a regular basis: "Hatid-sundo siya ng papa niya, 'Day."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / CTTO via John Lloyd Cruz Fan Page Facebook

Diretsahang sinagot ni Ellen Adarna ang pangungumusta ng netizens sa relasyon ni John Lloyd Cruz sa kanilang anak na si Elias.

Magdadalawang taong gulang na si Elias sa June 27, 2021.

Tanong ng netizen: "Does Baby Elias still get to spend time with his dad?"

Sa pamamagitan ng short video via Instagram Story, ipinahiwatig ni Ellen na regular na nakikita ni Elias si John Lloyd.

Ani Ellen sa relasyon ng mag-ama, "Yes, he does. Hatid-sundo na siya si ang papa di ni, 'Day [Hatid-sundo siya ng papa niya, 'Day].

"Si John Lloyd, present father. He wants to be present.

"He needs his father, as much as he needs me."

Inihayag ito ni Ellen noong Miyerkules ng hapon, April 14, 2021.

IG Story: Ellen Adarna question about John Lloyd and son Elias relationship

Continue reading below ↓

ELLEN AS HANDS-ON MOM TO ELIAS

Hindi kaila sa publiko na kasama ni Ellen si Elias sa bahay ng aktres sa isang posh subdivision sa Muntinlupa City.

Lumuwas si Ellen mula sa Cebu para manatili rito sa Metro Manila nang magbalik-trabaho siya sa TV5 sitcom na John en Ellen noong January 2021.

Bukas si Ellen sa pagbabahagi ng pagiging hands-on mom niya kay Elias at mga bonding moments nilang mag-ina.

Base sa social media posts ni Ellen, makikitang maganda rin ang relasyon ni Elias sa fiancé ng aktres na si Derek Ramsay.

"Tito Derek" ang tawag ni Elias kay Derek.

Continue reading below ↓

ELLEN ON CO-PARENTING WITH JOHN LLOYD

Sa kabilang banda, consistent si Ellen sa pagsasabing co-parenting sila ni John Lloyd pagdating kay Elias.

Noong April 2020, unang kinumpirma ni Ellen na regular ang pagkikita nina John Lloyd at Elias.

Sa Cebu nakabase noon si Ellen, at sinabi niyang "twice a week" ang schedule ng "sleepover" ni Elias sa ama nito.

Tiyempong nang ipatupad ang unang bugso ng enforced quarantine noong March 2020 ay nagbabakasyon si John Lloyd sa Cebu, at tila nanatili roon ang aktor ng mga sumunod na buwan para makapiling ang anak.

Noong April 27, 2020, sandaling namataan si Elias nang ipakilala ito ni John Lloyd sa kaibigang si Bea Alonzo.

Magkausap noon sina John Lloyd at Bea sa Instagram Live, gawa ng collaboration nila para sa isang experimental online movie sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Sa bandang huli ng IG Live, nagpaalam si John Lloyd kay Bea at sinabing papatulugin na nito ang anak.

Continue reading below ↓

Hanggang sa kasalukuyan, low-key pa rin si John Lloyd sa kanyang mga pinagkakaabalahan sa pribadong buhay.

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on John Lloyd Cruz meeting up with their son Elias on a regular basis: "Hatid-sundo siya ng papa niya, 'Day."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / CTTO via John Lloyd Cruz Fan Page Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results