PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN stands by Angel Locsin amid community-pantry controversy

“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin"
by PEP Troika
Published Apr 25, 2021
Sa gitna ng kontrobesiya na kinakaharap ngayon ni Angel Locsin, nagpahayag ng suporta ang ABS-CBN, na home network niya sa loob ng 12 na taon.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram; PR

JERRY OLEA

Kabilang si Angel Locsin sa Cinemadvocates na pinarangalan sa 5th Film Ambassadors Night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) noong Pebrero 28, 2021 sa FDCP Channel.

Isa rin si Angel sa Isah V. Red awardees sa 4th Eddys ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong Abril 4, Easter Sunday. Sa FDCP Channel din ito nag-streaming.

Ang mga ito ay dahil sa kanyang pagiging matulungin sa mga kapwa Pilipino, lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Pero ngayon ay inuulan ng batikos si Angel kaugnay sa inilunsad niyang community pantry noong Abril 23, Biyernes, sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Bahagi ito ng pagdiriwang ni Angel ng ika-36 kaarawan. Dinagsa ng mga tao ang community pantry ng aktres. Binalewala ang social distancing. Namatay ang isang senior citizen.

Sa kabila ng mga panlalait at pangungutya kay Angel ay suportado siya ng ABS-CBN.

Narito ang inilabas na pahayag ng Kapamilya network ngayong Abril 25, Linggo:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in her personal capacity has tirelessly helped our countrymen in times of crisis.

“We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love.

“We stand by her and thank her for being a shining example of generosity, accountability, and compassion.”

NOEL FERRER

Isa rin si Angel sa mga pinarangalan ng aming Level Up People of the Year sa radyo.

Napakaganda ang sinabi ng Kapamilya network sa kanya—"a shining example of generosity, accountability and compassion."

Kung nagagawa ito ng isang ordinaryong mamamayan, can we also demand these things from our leaders? Sana!

GORGY RULA

Malaking bagay ito kay Angel na nagpahayag ng suporta ang Kapamilya network, dahil kailangan niya ito ngayon.

Nakakatuwa ring nag-post din sa social media ng kanilang suporta ang ilang kapwa Kapamilya artists, gaya nina Liza Soberano at Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakalungkot lang na ang ibang kasamahan naman sa industriya ay tahasang inaalipusta si Angel sa halip na intindihin na lang ang sitwasyon niya.

Wala namang sinisising iba si Angel, di ba? Inako ni Angel ang lahat ng pagkakamali at paulit-ulit siyang humihingi ng patawad.

Pero may ilang sinasayang lang ang katalinuhan nila para lang maipakita ang pagka-DDS nila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa gitna ng kontrobesiya na kinakaharap ngayon ni Angel Locsin, nagpahayag ng suporta ang ABS-CBN, na home network niya sa loob ng 12 na taon.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram; PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results